Miu Miu called me for an urgent meeting dahil nalaman na nila ang nangyari.
A couple of deceived customers emailed them, raising their concerns and it was such a big scandal, especially for a brand like them.
They were big.
Hindi sila basta-basta nalang kaya parang bakal na pader ang binabangga ko ngayon.
"How can you explain this, Ms. Balmer? This is a big scandal!" one of the board of directors exclaimed.
Napayuko at mahigpit na napapikit nalang ako habang sinesermonan at pinapahiya rito.
I was trying my best not to cry kaya mahigpit din ang hawak ko sa palapulsuhan ni Andrew.
"We thought you're smart, but it turned out that we overestimated you. And can you please turn off that stupid pho--"
"Careful of your words, sir," putol ni Andrew sa pag iinsulto sa akin ng isa sa mga matataas na persona ng Miu Miu, habang ako naman ay nagkakadarapa sa pagkibit ng phone kong nagriring dahil sa isang tawag.
It was slipping out of my shaking hands so I had a hard time, until Andrew took it and shut it down for me.
"T-Thanks," I whispered quietly and went back to lowering my head while listening to every word they said.
Nagpatuloy sila sa pagsesermon sa akin at tinanggap ko lahat ang mga iyon dahil aware ako na may kapabayaan ako sa nangyari.
Hindi ako naging hands-on.
I trusted too much.
I was irresponsible.
Dahil sa akin, nagkakaproblema kaming lahat ngayon.
Dapat problema ko lang ito dahil hinayaan ko ang tatay kong pumasok muli sa buhay ko, pero nagdamay pa ako ng ibang tao.
At hindi lang basta-bastang mga tao dahil isa sila sa mga pinaka malaki sa buong mundo.
Walang nakakaalam na si Daddy ang may sala sa likod nito maliban sa akin, kay Andrew, at doon sa investigator, kaya nag stick kami doon sa idea na may hacker.
At mabuti nalang dahil naging considerate ang Miu Miu dahil pinili nalang din nilang hindi ito isapubliko, at nagpresenta din akong makikipag areglo roon sa mga nabiktima.
Ang problema lang ngayon ay hindi ko alam kung paano gagawin dahil malaking halaga ang nawala sa kanila at hindi ko kayang tapalan 'yon dahil maging ako mismo ay wala ng pera.
Tatlong milyon nalang ang balance ko sa bangko at kung ipangbabayad ko 'yon sa mga nabiktima, wala akong ipang swesweldo sa mga tauhan ko.
"Don't think about it too much," ani Andrew noong sabay kaming sumakay ng elevator pagkatapos ng meeting.
Napabuntong hininga ako at napamasahe sa sariling sintido pero hindi ako nagsalita.
"You're so stressed. Don't you trust me? I'm a good lawyer, you know." Andrew shrugged. "I'll make you win."
Hindi ulit ako nagsalita kaya tinitigan niya ako mula sa reflection namin sa pintuan ng elevator.
"Wanna grab dinner with me?" he asked and when I heard it, my stupid stomach churned.
Bigla kong naalala na hindi pa pala ako kumakain simula kagabi.
Sobrang talas ng memorya ko pero hindi ko alam kung bakit palagi kong nakakalimutan ang kumain at kailangang palaging may magpaalala sa akin nun.
"Come on. I'll treat you." Nginitian ako ni Andrew bago maglaho ang reflection namin sa pintuan dahil bumukas na 'yon.
"Anong tingin mo sa akin, mahirap? May pera ako. Hindi mo ako kailangang ilibre." Inirapan ko siya at nilagpasan sa paglalakad, pero agad din siyang nakahabol dahil ang laki ng mga hakbang niya.