Sad Pieces

35 0 0
                                    


Everyone gave Rebecca a loud round of applause as she ended her piano concerto on a good note.

Truth be told, Rebecca is one of the most anticipated performers for tonight's Piano Concert. Isa kasi siya sa pinakamagagaling na classical pianist ng kanyang henerasyon, kaya kahit na siya ang pinakahuling performer ngayong gabi ay talagang hinintay ng lahat na marinig ang kanyang pagtugtog.

She stood at the center of the stage, smiling as she waves her hands to the audience, mouthing 'Thank you' to each eyes she has made contact to. Nagbow siya sa harap ng lahat bago magsarado ang pulang kurtina, habang unti-unting humihina ang palakpak ng mga tao.

Pagpasok niya sa backstage ay nagpalakpakan ang lahat ng organizers, staff at fans na naroon. Isa-isa siyang nagpasalamat sa mga nagbigay ng bulaklak at mga regalo. There are also reporters waiting for her, asking her some questions regarding the show.

"The piece you played for tonight's show was Sonata No. 17 by Beethoven," the reporter initiated. "it was one of the saddest piano pieces ever made."

Rebecca nods as she hears what the reporter said. "Yes, it is."

"We're just really curious, Miss Rebecca, why do you always play sad pieces on most of your shows?"

Sa totoo lang, halos lahat ng reporters na pumupunta sa mga shows niya ay palaging ito ang itinatanong. Kahit gusto niyang sabihin ang dahilan ay hindi niya alam kung paano ito sasagutin nang hindi siya sobrang nagiging vulnerable sa harap nilang lahat.

"I've always had a connection with music and melodies," she smiled lightly. "I'm really not good at expressing my feelings or emotions through words. Music has always been an outlet for me to express what I really feel."

"If music is your outlet, and you play almost all of the sad pieces," the reporter paused slightly, making Rebecca feel a little nervous to what the reporter is about to ask next.

"Anong reason kung bakit ka malungkot, Miss Rebecca? Is it because of someone?"

And just like what she had expected, unwanted memories come crashing back. Para bang kada itatanong sa kanya kung bakit siya malungkot ay hindi pwedeng hindi niya maaalala ang mukha ng taong dahilan nito.

"I would like to just keep it to myself. Kahit ako kasi ay marami pa ring mga tanong," she smiled politely at the reporter who asked the question. "Maybe someday, I'll be able to answer you too…"

"Pag may sagot na rin sa mga tanong ko."

--------------------

Nang matapos ang interview ay unti-unti nang nag-ayos ng mga gamit ang mga organizers at staff, at nagsimulang umalis para magpunta sa after-party.

"Becky, sabay na ba tayo papunta sa venue?" Tanong ng kanyang kaibigan at manager na si Irin.

Rebecca feels a little exhausted and empty, dahil na rin siguro sa nangyari kanina sa interview. Hindi niya alam kung kaya pa ba niyang pumunta sa after-party dahil sa pagod at bigat na nararamdaman niya ngayon.

"Irin, okay lang ba kung uuwi na lang ako? I just really feel exhausted right now, gusto ko nang magpahinga."

Tumango na lang si Irin dahil alam niyang hindi niya naman mababago pa ang isip ng kanyang kaibigan. They've been friends ever since high school, even before Irin became Rebecca's manager. Marami na rin namang dumaang managers ni Rebecca pero hindi palagay ang loob ng pianist sa iba. Kaya noong gabi na nakatambay sila sa bahay ni Rebecca at nagbiruan na kung pwedeng si Irin na lang ang maging manager niya ay pumayag naman ito.

Kilalang kilala na nila ang isa't isa at alam na rin nila agad kung anong kailangan ng bawat isa. At sa ngayon, ramdam ni Irin na kailangan ng kaibigan ang pahinga kaya pumayag na rin siya sa hiling nito, siya na lang din ang bahalang magpaliwanag sa mga maghahanap sa piyanista sa after-party.

Sad Pieces | #FreenbeckyAu One-shotWhere stories live. Discover now