Dalawang oras na akong nakatitig sa pader ng bedroom ko at halos iuntog ko na ang ulo ko roon dahil hindi ako makatulog.
Hindi kasi pumayag si Rain na ibigay sa akin 'yong jacket niya.
Ilang beses ko siyang pinakiusapan na sa akin nalang 'yon, pero ilang beses din niya akong hinindian kahit na ibinigay ko na sa kanya 'yong mga paintings ko.
Anim painting 'yon at siguradong mas mahal ang mga 'yon kesa roon sa jacket, kaya luging-lugi ako pero nagmatigas parin siya.
At mababawi ko lang 'yong jacket kapag nakipag date ako sa kanya nang limang beses, at pumayag naman ako dahil mamamatay ako sa puyat kung hindi.
Hindi talaga ako makatulog kaya napabuntong hininga ako at tumayo mula sa kama para kunin 'yong suitcase ko.
Ito ang tumulong sa akin na makatulog sa loob ng isang taon, kaya baka gumana ulit ngayon. Kung hindi naman, edi iyong upuan.
Wala na akong pakealam kung magmukha ulit akong stupid.
Ang mahalaga ngayon ay makatulog ako dahil may trabaho pa ako bukas at ayaw kong magmukhang zombie from walking dead.
After I placed my suitcase above my bed, I pathetically stared at it and sighed.
Kung may makakita man sa akin ngayon, siguradong ipapadala nila ako sa asylum because I looked so stupid.
I mean, not just stupid because I looked like I was out of my mind.
But I didn't have a choice because I'd die if I didn't sleep tonight, so I already crawled on my bed and closed my eyes—praying that I would have at least three hours of sleep, but I didn't.
Kaya kinaumagahan ay lutang at badtrip ako.
Halos masungitan ko na lahat ng mga empleyadong nakasalubong at bumati sa akin, kaya nagmadali akong pumasok sa office ko dahil baka kung ano-ano nanaman ang itawag sa akin dito.
Last month nga ay nagtanggal ako ng tatlong empleyado because I heard them call me "Devil in Blues".
I wasn't actually hurt by it because I didn't take it as an insult, but I wouldn't tolerate such behavior.
Sitting down on my swivel chair, I leaned back and closed my eyes as I slightly threw my head back, but I quickly fixed myself because Danica walked in.
"Nasa baba po si Sir Rain," aniya at agad akong napaayos ng upo habang isang beses na kumalabog ang puso ko dahil mali ang pagkakarinig ko sa pangalang binanggit niya. Pero hindi ko 'yon pinahalata, at sa halip ay tumango ako sa kanya.
"Tell him to come up, " I told her and then 10 minutes later, bumukas ulit 'yong pinto at pumasok si Rain.
He was holding a bouquet of flowers and smiling at me, but I was still annoyed at him so I rolled my eyes, which just earned a laugh from him.
"Still mad at me, huh?" he said and placed the bouquet on my table before sitting on the chair across from it.
"Why are you here? Bukas pa 'yong date natin," pagsusungit ko sa kanya, pero tinawanan niya lang ako kaya sinamaa ko siya ng tingin. "Ibalik mo na sa akin 'yong jacket ko."
He raised a brow at me. "Jacket mo? Jacket ko 'yon," he said using his expensive accent.
I groaned. "Ibalik mo na kasi. Hindi ako makatulog."
The side of his lips rose up as he tried to stifle a grin, and then he shrugged.
"You'll get it at the end of our last date."
I harshly exhaled. "Matagal pa 'yon."
He pouted. "Patience exists, you know?"
"I hate you," I muttered.