Kabanata 10

92 9 9
                                    

Nasa tricycle na 'ko pauwi sa amin ng bigla kong narinig na tumunog ang notification ng cellphone ko.

Reiden Arlo Acosta

Haven, ingat ka pauwi.

Haven Isla De Vera

Salamat, Reiden.

Gusto kong magtanong sa kanya tungkol sa nangyari kanina pero alam kong sa mga oras na 'to ay nasa duty pa siya kaya baka mamayang gabi ko na lang itatanong.

Pagbaba ko ay dumiretso na 'ko sa bahay at nag bihis ng kumportableng damit at nahiga na sa aking kama.

Natulala ako sa kisame ng kwarto ko at iniisip ang mga nangyari kanina. Ayokong mag-assume na may gusto siya sa akin pero hindi ko maiwasan dahil iyong ang ipinapakita niya.

Nagising ako at tinignan ko ang oras sa cellphone ko at nakita kong ala-siyete na pala ng gabi. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa pag-iisip kanina.

Pababa na 'ko para kumain dahil alas dose pa ang huling kain ko.

Nadatnan ko si papa na nag-aasikaso ng pagkain namin at ang tanging gagawin ko na lang ay umupo.

Sabay kaming kumain at nag-kwentuhan sa mga nangyari sa araw na 'to.

Nang matapos ay hinugasan ko na ang pinggan namin habang nakikinig ako ng music sa youtube nang biglang humina ang music, nakita ko na may nag-message pala sa messenger ko.

Pinunasan ko muna ang kamay ko at tinignan kung sino iyon.

Reiden Arlo Acosta

Hi, Haven! kaka-uwi ko lang. Kamusta ka? sana nakapag-dinner ka na dyan.

Ka-uuwi niya pa lang pero ako agad ang una niyang inisip na tanungin kung nakakain na ba 'ko.

Haven Isla De Vera

Ah, Oo, salamat.

ikaw din.

Gusto kong sabihin iyon dahil parang ang pangit basahin ng mensahe ko, pero pinigilan ko ang sarili ko dahil ayokong isipin niya na pareho kami ng nararamdaman.

Gusto kong maging mabuti kay Reiden dahil ganun din ang pinapakita niya sa akin. Wala akong balak na pansinin siya, pero dahil unti-unti kong nakikilala ang ugali niya ay binigyan ko siya ng chance.

Haven Isla De Vera

Reiden, pwede na ba 'kong magtanong?
Tungkol kanina nung binigyan mo 'ko ng donut sa third floor.

Reiden Arlo Acosta

Kung bakit doon?

Haven Isla De Vera

Oo, hindi kasi ako makakatulog kapag may iniisip ako. Sorry.

Reiden Arlo Acosta

Okay lang. Wag ka na mag-sorry. Alam mo naman na scholar ako, diba? Bawal sa amin na may pa-ganito.
Yung ginagawa ko, napansin kasi ng classmate ko na iba yung kinikilos ko pagdating sayo, kaya sabi niya layuan daw kita. Mawawalan daw ako ng scholarship.

Haven Isla De Vera

Hala, kung ganun iwasan mo na 'ko! baka kung ano na yung iniisip nila.

Reiden Arlo Acosta

Wag, pls! ako nang bahala. Kaya ayokong sabihin kasi alam kong yan ang gagawin mo at ayoko ng ganun. Wala ka naman kasalanan eh.

Haven Isla De Vera

Chapters of Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon