Chapter 1

2 0 0
                                    


Sa likod ng social media fame at makulay na buhay bilang influencers, may mga kwentong hindi alam ng kanilang mga fans. Ang kwentong ito ay nagsisimula sa isang simpleng live stream kung saan dalawang taong tila hindi magkasundo, sina Pearl at Niks, ay nagsimulang makilala ang isa't isa.

Social Media Livestream - The Beginning Nagsimula ang lahat sa isang casual na livestream nina Christian at Niks. Si Niks, ang soft-spoken na P-pop idol at leader ng grupong MLY (My Life's You), ay hindi talaga kilala sa pagiging seryoso online. Kadalasan, lagi siyang nakangiti, parang wala lang problema, at palaging game sa mga kulitan kasama ang kanyang mga kaibigan. Isang gabi, habang si Christian ay nagli-livestream, napansin ni Niks na nasa chat si Pearl, na kaibigan ni Christian at isa ring model at influencer. Sikat sa social media si Pearl, kilala siya sa pagiging outspoken at matapang harapin ang mga fans na bumabash sa kanya.

Pero, behind her fierce personality, may soft heart siya, lalo na pagdating sa kanyang mga malalapit na kaibigan. Nag-request si Christian na sumali si Pearl sa stream.

"Tara, sumali ka dito. It's gonna be fun, Pearl!" sabi ni Christian habang nakangiti.

"Ha? For what? Kasama 'yan?" sagot ni Pearl, referring to Niks, habang may halong irritation sa boses.
"Huy, oy, bakit parang galit ka agad? Hindi pa nga kita nakakausap," sagot ni Niks na may tawa, tila walang pakialam sa init ng dugo ni Pearl. "Whatever," sagot ni Pearl na pasimpleng tumatawa. Naaasar siya kasi parang hindi ito seryoso sa buhay,

lalo na't palaging tumatawa.

Habang lumalalim ang usapan nila sa stream, pansin

ng mga nanonood na laging mainit ang dugo ni Pearl

kay Niks. Hindi maiiwasan na may mga fans na nag-

cocoment sa kanilang live.

Fan: "Ang kulit ni Pearl, laging galit kay Niks HAHAHAHA."

Fan: "Baka naman loveteam 'to?.."

First Impressions

Sa unang tingin, si Pearl ay tila naiirita kay Niks. Para

kay Pearl, parang hindi ito seryosong tao. "Ano ba 'to, parang laging happy-go-lucky lang, di mo alam kung minsan ba nagiging totoo o ano," sabi ni Pearl sa sarili

habang nakikinig sa boses ni Niks.

Si Niks naman, nakikita si Pearl bilang isang palaging

galit at hindi nila magka-vibes. "Laging galit. Parang hindi kami magkakasundo," isip ni Niks, sabay tawa. Pero habang tumatagal, napansin ni Niks na may something kay Pearl-hindi lang siya basta-basta. Matapang ito, pero may ibang depth sa kanya.

Beyond The ScreenWhere stories live. Discover now