CHAPTER 11
"Batchoy, sorry na—"
"Ackdan, puwede ba? Tumigil kana nga riyan! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito oh!" Pasigaw kong sambit. Pagkatapos ng pag-uusap namin sa Plaza ay dumiretsyo ako dito sa canteen ng school. Sa tapat pa talaga kami ng rebulto ni Jose Rizal nag-away!
Ano na lang ang sasabihin ng pambansang bayani kung makita niya kami? Ang kabataan ang pag-asa ng bayan ngunit bakit ganoon na ang nangyayari?
Kanina pa ako kinukulit ni Ackdan na pansinin ko siya. Alam ko namang susundan niya ako dito kaya hindi na ako magtataka. Tumingin ako kay Hannah na ngayon ay kumakain na ng Spaghetti na ibinebenta dito sa Canteen habang nakatingin sa lalaki na
nagmamaka-awa na kausapin ko ng maayos. Pinagtitinginan tuloy kami ng ibang mga estudyanteng nandito.Mga Senior ito dahil walang pasok ang mga First Year college ngayon dahil abala silang lahat sa practice para sa gaganapin na cheerdance.
Sinulyapan ko ang mga taong narito sa loob ng Canteen. Ang iba ay nagbubulungan. Ang iba ay hinuhusgaan ako base sa kanilang mga tingin. At ang iba naman ay halatang pinag-uusapan ako sabay tingin sa kanilang cell phone.
Napahinga ako ng malalim. Sinong hudas kaya ang nagpakalat na may relasyon kami ng Gobernador? Ang dali talagang mapaniwala ng mga tao. Isang maling akala lang ay paniniwalaan na nila nang hindi man lang kumukuha ng masusing ebidensiya.
Hindi ba nila alam ang salitang 'Research'? Siguro naman ay alam na nila iyan dahil nag-aral sila ng Senior High School. Ang akala ko ay may matutunan sila sa Research at magagamit nila ito sa kanilang buhay. Madali pa rin pala silang mapaniwala sa mga pekeng balita.
"Ackdan, tumigil kana, oo na sige na, bati na tayo," sambit ko. Nagliwanag naman ang kaniyang mata at kumapit sa aking Braso. "S-sorry talaga, Batchoy, ha? S-sorry." Paghingi pa niya ng tawad kaya tamad na lamang akong tumango.
Sandaling tumahimik sa pagitan namin nang dumating si Luis at Ian. "Bro, may practice daw kayo sa Banaag Club, tutugtog daw pala kayo sa First Year walk!" Masayang wika ni Luis. "Sino bang mga kasama mo doon sa binuong Banda?" Tanong pa nito.
"Si Batchoy." Tumingin sa akin si Ackdan at ngumiti. Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa napaka perpekto niyang mukha. Mas lalo siyang nagiging guwapo sa tuwing ngumingiti siya dahil lumalabas ang kaniyang dimple.
"Magaling bang kumanta 'tong si Taba? Mamaya sumakit tenga namin d'yan ha!" Asar naman ni Ian kaya pasimple akong napairap. Tumayo na ako para pumunta sana sa Room kung saan ang Banaag Club nang kumapit muli si Ackdan sa aking Braso.
"Hindi mo ba ako hihintayin, Batchoy? 'Di ba magkasama tayo sa club?" Malungkot niyang wika. "Bakit? Nasa akin ba ang mga paa mo, Ackdan?" Ngumuso naman siya sa aking naging sagot. Nagtawanan naman si Luis at Ian. "Gago, ginaganon ka nalang, Bro! Nawawala angas ng anak ng Gobernador ah?! Parang na-under ni Taba ah!" Natatawang sambit ni Luis.
Inirapan ko sila. "Puwede ba akong sumama sa inyo? Boring kasi ang mag-isa." Sabat ni Hannah kaya napangiti ako at tumango. Pumalakpak naman siya na akala mo ay batang nabigyan ng Candy.
Kumapit din siya sa Braso ko at marahan akong hinila palabas ng Canteen. Humiwalay si Ackdan sa akin at nakisabay sa dalawa niyang kaibigan. Hindi ko na sila nilingon pa dahil alam ko namang nakasunod lang sila sa amin ni Hannah na nauunang naglalakad.
"Umamin ka nga!"
Natigilan ako. "H-ha? Anong aaminin ko?" Tanong ko. Tinusok niya ang tagiliran ko kaya bahagya akong napalayo. "Ay sus! Nag d-deny ka pa ha! Alam ko naman, eh! May gusto ka ba kay Ackdan?!"
![](https://img.wattpad.com/cover/368475066-288-k300323.jpg)
YOU ARE READING
Fearless (LUZVIMINDA SERIES 1) COMPLETED
Teen Fiction(𝗟𝗨𝗭𝗩𝗜𝗠𝗜𝗡𝗗𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 𝟭) [COMPLETED] Started: October 05, 2024 Ended: November 27, 2024 Avril Shanaiah Manreza, Aiah for short, and I've been bullied all my life, both in school and outside of it. Growing up in poverty, I watched my m...