Chapter 5

1.1K 54 5
                                    





Chapter Five





Pagkaupo ko sa kaninang inuupuan dito sa auditorium ay ramdam ko ang mga matang nagmamasid sa akin. Awkward naman akong tumikhim when I also felt Keith's stare at me, looking at me like a hawk. Ngumiti ako sa kaniya na parang constipated bago tumingin sa harap kung nasaan ang faculty ng department namin.

Lumipas ang ilang segundo ay nakatitig pa rin sila sa akin kaya napalunok ako bago sila bigyan ng tingin, "W-What?"

"Jowa mo si Miss Costales?"

Napamaang ako, "What?! Jowa?!" Napatili ako, making a few heads turn in our direction. Kahit ang nasa stage ay napatingin sa aming direksyon particularly Miss Costales na nakakunot ang noo na nakatingin sa akin. Naingayan siguro or naiisip na nito na wala akong hiya sa pagsigaw ko na iyon. Ito kasing si Keith!

Narinig ko ang pagtawa nito habang napapailing na lang. "Deny na deny ah. Sakit non sa part ni Miss Costales." Parang dismayado pa na saad nito kaya nanlalaki ang mata ko na tumingin sa kaniya.

"No, no– She— Hindi ko siya jowa or anything." Huminga ako ng malalim, trying to calm myself, "We're not in a relationship."

Bakit ba ako kinakabahan? At bakit napaka defensive ko din kasi! Nakakainis.

"Sure? Pero may pa-kape?"

Napairap ako kay Keith habang patuloy siyang nang-aasar, her grin growing wider as she enjoyed my flustered state. "Keith, seryoso, tumigil ka nga. It's not what you think." I tried to keep my voice low, but the heat rising in my cheeks wasn't helping me look calm at all.

"Amin ka na, ate ko. Hindi naman prohibited ganiyang relationship dito," taas kilay nitong sabi habang may nang aasar pa rin na ngiti sa kaniyang labi.

"Wala naman akong aaminin kasi." I said in a harsh whisper before clearing my throat. I got conscious kasi nararamdamn ko 'yung titig niya from the stage. She's not really helping.

Hindi ko na rin naman napigilan ang sarili ko at napatingin ako sa stage. There she was—calm, collected, and back to her authoritative self. Her focus was now entirely on the orientation, no trace of the playful, almost tender side she'd shown me earlier.

Nakita ko rin ang minsang pagkuyom ng kamao nito pero agad din ibubuka dahil sa hindi malaman na dahilan. Nakakunot na rin ang noo, tanda na mayroom naman itong ikinagagalit. Lagi na lang siya galit.

"Uy, tinititigan." Napaigtad ako when Keith started poking my side with her index finger. Inulit niya pa iyon kaya pagsasabihan ko na sana ito when someone spoke into the mic, making me jolt up from my seat.

"Can we start the orientation now, please? We're wasting time here," mariin na saad ng professor sa mga nandoon na nag o-organize bago ako bigyan ng saglit na tingin at binalik ang tingin sa papel na hawak.

Napatikom naman ako ng bibig dahil sa binibigay nitong tingin ay parang ako lang ang nag iingay e mas may maingay pa nga sa akin dito pero hindi niya tinitingnan. Ako lang ata ang nakikita niya and it's not a good thing.

The orientation started ng wala akong naiintindihan at wala akong balak intindihin ang mga sinasabi nila. Attendance lang naman ang pinunta ko dito at 'yung 9am ko na klase. Parang saulo ko na kasi 'yung flow lagi pag may orientation and nakakasawa na rin naman 'yung paulit ulit kahit different campus na pinapasukan mo.

Cloaked Heart (Eastwood University Series #4)Where stories live. Discover now