Chapter 45

5 1 0
                                    

I bit my lip to stifle a groan as the hairstylist fixes a blonde wig above my head.

Pakiramdam ko ay matatanggal na ang scalp ko sa sobrang higpit ng pagkakatali ng buhok ko para maayos na nailagay 'yong wig.

I was also wearing a floral print long sleeve underneath an overall jumper.

The stylists were trying to make me look like the character I was playing—young Donna.

I already had the western look because of my American features, so hindi sila masyado nahirapan.

Ngayon kasi 'yong performance ng play kaya lahat kami ay naghahanda na.

At sa kasamaang palad, dito 'yon gaganapin sa Ilocos Norte dahil nahy change location a day before the performance.

Ang sabi nila sa akin ay sa Liathro 'yon gaganapin noong tinanggap ko 'yong offer. Pero kung alam ko lang talaga na malilipat dito sa Ilocos ay mag back out ako dahil siguradong makikita ko si Wren.

At tama nga ako dahil habang nag la-line up kami sa gilid ng stage at napasulyap ako sa house ay nakita ko siyang nakaupo sa first row katabi si Sabel.

I wanted to turn my gaze away from them but I couldn't put my eyes to do it, hanggang noong tinawag na ako nung isang producer at umayos na sila ng upo dahil mag uumpisa na 'yong show.

Breathing in and out, I shook my hands to release tension and relax myself while taking them off out of my head para makapag perform ako nang maayos.

The stage went pitch dark until the light flickered—queuing Sophie to make her entrance.

The musical started right away as she sang 'I have a dream' together with some of the actors and dancers.

Nakasama ko na siya sa ilang mga plays before at schoolmate ko rin siya sa Beladimma dati kaya alam ko na kung paano siya mag perform.

She was a great actress and singer kaya sa tuwing nakukuha niya 'yong lead role imbes na ako ay hindi sumasama ang loob ko dahil alam kong mabibigyan niya 'yon ng hustisya.

I watched their beautiful performance until I heard my queue to make an entrace on my tiny earpiece.

Humugot ulit ako ng isang malalim na hininga before I switched myself to my character and took steps upward the stage.

The intro of Mamma Mia, the song bombarded the place as I made my entrance together with the back up dancers.

The audience couldn't see us properly because of the flickering lights but I could see them, especially the man on the front row, who was extending his neck and looking from left to right to search for me.

He knew I was here.

When the lights went dim, our eyes locked.

"I've been cheated by you since I don't know when" I sang—not taking my eyes off him because the lyrics were meant for him.

Agad niyang nakuha ang gusto kong iparating sa kanya dahil hindi rin siya nag alis ng tingin sa akin kaya napalunok siya at napaayos ng upo.

The side of my lips lifted up into a small sneer, but it quickly vanished when Sabel turned to him and held onto his arm.

Tumalas ang tingin ko sa kanila at kung hindi lang talaga mahinang napa-aray 'yong katabi kong dancer ay hindi ako mapapabalik sa sarili dahil humigpit pala ang hawak ko sa kanya.

Agad ko siyang binitawan at pinilit ko ang sarili kong mag iwas ng tingin kay Sabel at Wren, na maingat na tinanggal 'yong kamay ni Sabel sa braso niya at medjo umusog palayo kaya napakunot ang noo ng babae.

Blue Silhouette (Saved Series #2)Where stories live. Discover now