Chapter 46

3 0 0
                                    

Dali-dali akong tumakbo palabas ng conference room at ilang beses na pinindot 'yong button ng elevator para makabawi dahil nag chat sa akin si Wren gamit iyong bago niyang fake account because I blocked the first one.

He said he was downstairs kaya nagmamadali akong pumunta roon para palayasin siya dahil kung sino pa ang makakita sa kanya.

I couldn't risk people seeing us together or even breathing the same air in the same place!

Baka anong issue ang lumabas at mabunyag lahat ng mga pinagsamahan namin sa loob ng pitong taon.

No freaking way.

Maayos na ang buhay ko ngayon, kaya hindi ako papayag na muli niya akong guluhin.

When the elevator ding, I quickly walked out to search for him in the lobby, and there he was—chatting with the guard while holding a stupid bouquet of flowers in his hands.

I gritted my teeth.

At talagang gagawa pa siya ng eksena ngayon dito?

Pinagtitinginan siya ng mga empleyado at iba pang mga tao, kaya mas lalo akong ginapang ng kaba dahil baka may makakilala sa kanya bilang ex-boyfriend ko, mas lalo na't public na public ang relasyon naming dalawa noon.

Nagtago ako sa likod ng mga malalaking indoor plants at gigil na nagtipa ng message sa iPad ko para sa kanya.

@sky_24: I'm here at the lobby. GET. OUT. You are not welcome here.

Right after I sent the message, I observed his facial expressions as his phone vibrated, read it, and typed a reply after looking around to find me, which failed because I stayed hidden.

@brun0marsf4_naccount: May bulaklak ako para sayo. Kunin mo na dito, baka malanta.

@sky_24: Stop making a scene! Get out and don't befriend the guard! sinusuhulan mo nanaman!

He was so friendly.

That was the same thing he did when we fought and I went to the house, where I found out that my father left us.

Sinuhulan niya 'yong mga guards para makapasok sa subdivision.

@brun0marsf4_naccount: Wag mong pagselosan 'tong si Kuya guard. Nasa iyo lang atensyon ko, kaya kunin mo na 'tong bulaklak.

After reading his reply, I lifted my gaze into his direction and found him already staring at me, kaya gigil ulit akong nagtipa pagkatapos ko siyang samaan ng tingin.

@sky_24: Don't you dare come close to me. Leave those stupid flowers to the guard.

@brun0marsf4_naccount: Ayoko. Hindi pwede. Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo kinukuha itong bulaklak.

My jaw clenched and I felt smoke coming out of my nose, pero alam kong hindi talaga siya aalis dahil ang tigas ng ulo niya, kaya niyakap ko nalang 'yong iPad ko at nag martcha palapit sa kanya.

Habang ginagawa ko iyon, hindi ko sinalubong ang mga mata niya at nagpatuloy lamang hanggang sa malampasan ko siya at tuluyan na akong makalabas ng gusali, kung saan agad siyang sumunod sa akin.

"Loreen!" he shouted.

My eyes tightly shut but I ignored her and continued walking because there were still a lot of people here that might recognize us.

"Loreenie!" he shouted again.

I ignored him for the second time.

"Grace!"

I pretended to not hear.

"Balmer!"

I quickened my pace.

Blue Silhouette (Saved Series #2)Where stories live. Discover now