Ara's POV
"Kamusta naman ang grades mo? Matataas ba?" tanong ni Lola, ang mga mata niyang nakatuon sa akin na para bang nag-aabang ng sagot.
"S-Sakto lang po," sagot ko
"Ano ba ang sakto lang? Ibig sabihin hindi ka nag-aaral ng mabuti, ‘no?"
Luh si Lola..
Napasulyap ako sa kanya, ang tono niya ay tila may halong panghuhusga. "N-Nag-aaral naman po ako, Lola. Sinasabi ko lang na hindi lang ako straight A’s," paliwanag ko, pero ramdam kong hindi siya satisfied sa sagot ko.
"Eh kung ganyan lang, maghanda ka na. Baka hindi mo makuha ang mga kailangan mong grades sa susunod na quarter."
"Y-Yes po, Lola. Sisikapin ko po," sagot ko, kahit na parang ang bigat ng presyon na ibinibigay niya sa akin.
"Good. Kasi sayang ang pinag-aralan mo kung hindi mo ito pagtutulungan."
Napasimangot ako habang pinipilit ang ngiti sa labi. Ayaw kong ipakita sa kanya ang takot at pressure na nararamdaman ko.
"Pero nakakarating sa akin na palagi ka daw kasali sa mga top, is that true?" tanong ni Lola, ang tono niya ay tila may pagdududa.
"Y-Yes po, paminsan-minsan," sagot ko, medyo nahihiya
"Paminsan-minsan? I thought you were aiming for the top?"
"H-Hinahangad ko po, Lola, pero ang dami rin kasi ng kailangan pagtuunan ng pansin."
"Hmm... maybe you should prioritize more. Kapag top ka, mas madali ang future mo. Mag-aral ka nang mabuti at huwag magpalipat-lipat ng atensyon."
Nakangisi siya, pero parang nagbabadya ang kanyang sinasabi. "I want to see you make the most out of your potential, Ara."
"Opo po, Lola. Sisikapin ko," sabi ko, hoping na maipapakita ko sa kanya na seryoso ako sa pag-aaral.
Shit, grabe nga ang expectations neto ni Lola Clarissa, naiisip ko habang pinapanood siyang seryosong nakatingin sa akin. Para bang bawat salita niya ay may bigat na dapat kong pag-isipan. Ang pressure ay parang bumubuhos sa akin, at nag-aalala akong hindi ko matutugunan ang mga inaasahan niya.
"Just remember, Ara, it's not just about being smart. It's about discipline and hard work," dagdag niya, na tila sinisiguro na naiintindihan ko ang sinasabi niya.
"Y-Yes po, Lola," sagot ko, pero sa loob ko, nagdududa na ako kung kakayanin ko nga ang lahat ng ito.
"Pero sino si Enzo?" tanong ni Lola na nagbigay sa akin ng gulat.
"Po?" naguguluhan kong sagot.
"Sino si Enzo?" ulit niya, nakatingin na parang nag-iimbestiga.
"Enzo?" nag-aatubili akong ulitin, halata ang kaba sa boses ko.
"Hmm," sagot niya, nakataas ang kilay.
"U-Uh..." nag-umpisa akong mag-isip kung ano ang sasabihin. Punyemas, bakit niya minention si Enzo? Kilala niya ba siya? "Wala po, Lola. Kaibigan ko lang po siya."
"Kaibigan lang? Nakatanggap ako ng balita na masyado ka nang malapit sa kanya," sabi ni Lola, may halong panghuhusga sa boses.
"Ah, eh… um, hindi po ganoon," nagmamadali kong sagot. "Kilala ko lang siya. Nagkikita-kita lang kami."
"Well, make sure na hindi ka mapapahamak. I don’t want any distractions while you’re studying," matigas niyang sagot.
![](https://img.wattpad.com/cover/372415773-288-k178966.jpg)
YOU ARE READING
Stay With Me (COMPLETED)
General FictionSa isang engrandeng party, chill ka lang dapat, enjoying the vibe and everything. Pero bigla na lang may guy at diretsahan na sinabi sayo na... "I want you to be my fake girlfriend." Papayag ka ba? Or Tatanggi na lang?