BLAIRE SAMANTHA'S POV
8:43 na ng gabi at marami-rami na ring customer ang nandidito.
"Enjoy your dinner ma'am." aniko bago umalis. Palapit na sana ako sa may counter ng marinig ang pagbukas ng pinto. Nang tingnan ang pumasok ay si min ang nakita ko. Wala na ang kasama nitong pulis kanina. At hindi na rin siya nakauniform ng pampulis. Nakasuot lamang siya ng simpleng black pants at white v-neck shirt.
Hindi ko maiwasang mapakunot dahil sa presensya niya. I thought nagkataon lang yung kanina na dito sila kumain, pero ang makita siya ngayong nakatayo sa harapan ko ay nakakagulat. I didn't expect him to be here again.
Bumaling ako kina marideth ngunit nasa malayo sila at ako lamang ang tanging nandito malapit sa kaniya kaya kailangan talagang ako ang magseserve sa kaniya.
I took a deep breath before walking towards him.
"What is your order sir?" tanong ko sa kaniya. Kita ko ang muling pagkunot ng noo nito katulad kanina dahil sa pagtawag ko sa kaniya ng sir.
Bakit parang big deal sa kaniya kapag tinatawag ko siya ng ganon e customer ko siya. Kaya dapat lamang na tawagin ko siya ng ganon. Saka ba't nga ba dito to kumain?I mean wala namang problema kung dito siya kumain, pero kung kakain siya dito dapat kasama niya ang mag-ina niya. Pero hindi ko naman nakikita dito sina stella saka yung anak nila. Tanging siya lamang ang nandito ngayon. Nevermind, di ko dapat inaalala ang bagay na yun.
"I want rice then spicy chicken." aniya. Pansin ko pa ang ambang pagbuka ng bibig niya pero tumango lamang ako bago nagtungo sa kusina para ihanda ang inorder niya.
Nang maihanda ay mabilis ko ring inihatid sa mesa niya. Kahit ramdam ko ang nanunusok nitong titig ay pinanatili ko pa rin ang kaseryosohan ng mukha ko. Aba ayos! Kung pwede lamang siyang sitahin baka kanina ko pa ginawa.
"Enjoy your dinner sir." aniko bago siya iwan sana doon ngunit napatigil ako ng tawagin niya ko.
"Sam.."
Binalingan ko siya ng nagtatanong na tingin. Hindi ko alam, pero may kung ano sa dibdib ko ang hindi ko maipaliwanag nung marinig kong binanggit niya ang pangalan ko.
"Ano yun?" pilit kong pinaseryoso ang mukha ko.
"Pinaimbestigahan mo na ba kung sino ang nasa likod ng nangyari kanina?" tanong niya.
"Ahh hindi pa. Masiyado pa akong busy para dun. Saka baka nantitrip lang yun." sagot ko saka bumaling sa ibang customer. Mabuti na lang at medyo nasa may kalayuan itong kinapipwestuhan ni min kaya hindi maririnig ng iba kung ano ang pinag-uusapan namin.
"You can't just say that sam. Walang mantitrip lang ang magbabayad ng malaking halaga para lang siraan ka." rinig ko ang bahagyang pagtaas ng boses niya.
Ano naman ngayon? Kung may mangyari man sakin, wala na siyang pakialam dun.
"I can take care of myself."
"Stop acting like your strong sam—."
"Kaya ko nga ang sarili ko. Isa pa min kung may mangyari man sakin, wala ka na dapat pakialam doon. Ayaw ko nang maulit pa ang nangyari noon. Ayaw kong makasira na naman, kaya sana wag mo na akong pakialaman." huling saad ko bago lumapit kay marideth na nakatingin sakin gamit ang nagtatakang tingin.
"Nandito ulit si Lt. Suarez ah." saad niya. "Nag-away kayo miss sam? Para kasing masama ang timpla ng mukha mo e? Hmm para kayong magjowang nag-away ah."
"Tigilan mo ko marideth baka bawasan ko ang sahod mo sige ka!" sabay baling ko sa kaniya at pinanliitan siya ng mata.
"Bakit? Hehe mukha po kasi kayong nag-aaway e. Pero siguro mali lang ako." bawi niya.
YOU ARE READING
WAY BACK INTO LOVE
RomanceBlaire Samantha is a simple girl. Na ang tanging gusto lamang niya ay ang mahalin rin ng isang Min Vladimir. Pero paano mangyayari yun kung may iba nang tinitibok ang puso ni Min? Magawa niya kaya itong mapaibig o susuko na lamang siya?