DISCLAIMER:
"Through Yesterday's Scenery" is my very first book, and I'm excited to share it with you.
However, I want to be honest that my writing may not fully meet your expectations, as I'm still learning and growing as a writer.
This story is a reflection of my journey, and there might be some typos or errors along the way.
I appreciate your understanding and hope that you find something meaningful in the pages, despite any imperfections. Thank you for taking the time to read my work!
__________
Kinusot ko ang mga mata ko, "Buhay pa ba ako?" bulong ko sa sarili ko habang tinitignan ang paligid.
Bus pa ba 'to o ano... kinukuha na ba ako ng liwanag? Aba, ang bilis naman. Parang kanina lang nage-emote ako sa bus, napaaga yata ang sunod ko.
Dio... este, kung sino man ang nagdala sa'kin dito, bakit ako? Gusto ko pa makasama si Dio nang buhay kaming dalawa, hindi yung pata-
Kinusot ko ulit ang mga mata ko, napabangon ako mula sa higaan. Parang pamilyar 'tong lugar na 'to.
"Shang!" narinig ko ang isang pamilyar na boses.
"Shang, ok ka lang ba!?"
"Fyang?!" Napakunot ang noo ko. Ano 'to, biro? Alam ko nasa UP ka nag-aaral, bakit andito ka?
"Jusmiyo, Shang, ok ka ba ha?" tanong ni Fyang habang nakatitig sa'kin.
"Common sense naman, Fyang, tinatanong mo kung ok si Shang eh nahimatay nga siya kanina," sabat ni Shay.
Naguguluhan na ako. Asan ba ako? Anong nangyayari? Parang ibang mundo na 'to.
"Ano'ng nangyayari?" tanong ko habang hinahawakan ang aking ulo.
"Hala, amnesia na 'to," pabirong sabi ni Fyang.
"Tatawagan ko na ba 'yung nurse sa kabilang room, gising ka na pero mukhang malala ang tama mo," dagdag pa ni Shay.
"Sira! Wala akong amnesia! Pwede ba-"
"Ano ba talaga nangyayari? Asan ako?" tanong ko ulit, mas seryoso na.
"Nasa clinic ka ngayon, nahimatay ka sa volleyball training kanina. Hindi ka ba kumain? Wala kang lakas," sabi ni Fyang, parang inaala ako.
"Huh? Ako? Volleyball training?" ulit ko, mas nalilito pa.
Hinila ni Shay si Fyang palayo sa akin, "Fyang, ano ba? Tawagin na natin ang nurse. Malala na ata 'to!" bulong ni Shay, pero bigla siyang hinampas ni Fyang.
"Ano ka ba?! Mas malala pa ata tama mo kaysa kay Shang!" sagot ni Fyang.
Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Paano nangyari ang lahat ng ito? Hindi pa rin ako mapakali. Ako, magvo-volleyball? Pagkatapos kong mag-graduate ng senior high, hindi na ako sumali sa volleyball.
Narinig ko na bumukas ang pinto, at nakita ko ang Nurse, ang nurse namin dati noong high school. Pero, anong nangyayari? Ba't nandito ako sa school clinic namin noong high school?
Sa pagkakaalam ko, first year college na ako, hindi high school. Ano 'to, instant travel to the past?
"Ma'am, gising na po si Shang," sabi ni Fyang.
Chineck ako ng school Nurse namin gamit ang stethoscope. Ako naman, nalilito pa rin. Ano bang nangyayari sa akin? Naaksidente ba 'yung bus na sinakyan ko?
Naguguluhan pa rin ako. Kung naaksidente ako, aba, amnesia na nga ba ito? Baka nagha-hallucinate na lang ako ng kung ano-ano.
"Ma'am, kamusta na po siya?" tanong ni Fyang sa school nurse namin.
YOU ARE READING
Through Yesterday's Scenery
FanfictionIn To Yesterday's Scenery, a first-year BS Biology student at Ateneo wakes up in the past, where her best friend, a future architect, is alive and completely unaware of the tragic fate that awaits them. Start: Sept. 28, 2024 End: