"Ang swerte naman nila. Walang klase puro laro lang. Gusto ko rin maglaro." Mahinang sabi ko nang lumabas ang nagbabantay saaming guro. Nababagot ako dahil wala akong kausap. Iyong mga lalaki busy sa practice dahil malapit na ang laro at si jenny naman ay may meeting sa commitee, siya kasi ang VP sa year namin at hindi pwedeng wala siya.
Nakaupo ako sa palagi kong pwesto pero napapalibutan ako ng mga bakanteng upuan dahil doon nakaupo ang mga kaibigan ko.
Nasa sampo o mahigit ata kaming naiwan dito sa loob ng classroom na nagkaklase.
At sumasakit ang ulo ko sa pag aaral.
At biology class ngayon.
Naisuklay ko ang daliri sa buhok at nakapangalumbaba habang nakatingin sa kawalan.
"U-umm excuse me.. rika?"rinig kong wika ng isang boses. Napaangat ang tingin ko sa nagsalita. Isa itong babae namay maiksing buhok, matangkad at may maputlang balat. Sa likuran niya ay nagkatayo ang isang babae na maliit. Na para bang nagtatago.
Pinagkunutan ko sila ng noo.
"Bakit?"takang tanong ko at umayos ng pagkakaupo.
Nagpalinga linga ang naunang nagsalita bago ibinalik ang tingin saakin.
"S-sa group activity."wika niya kaya mas lalo akong naguluhan.
"Anong group activity?"
"Magkasama tayo sa group activity na binigay ni maam sa biology."rinig kong wika ng babaeng maliit na nagtatago parin sa likuran ng matangkad na babae.
Huh?
May activity? Sa biology?
Naihilamos ko ang palad sa mukha. Gusto kong pagtawanan ang sarili dahil sa kahihiyan. Muli akong umayos ng upo at ngumiti sa kanila.
Wala akong maalala sa tinuturo ng teacher kanina. Anong klaseng activity ba ang binigay?
"Anong plano?"tanong ko. Kunyari may alam.
Nilingon ng matangkad na babae ang maliit na babaeng nasa likuran niya.
"Wala pa. Mag iisip pa lang."rinig kong wika ng nasa likurang babae. Kumunot ang noo ko. Medyo nawiweirdohan sa kinikilos nila.
Hindi ako sumagot at tinignan lang sila.
Hindi mapakaling tumingin ulit ang matangkad na babae sa babaeng nasa likuran niya.
"Mamayang uwian, pag usapan natin ang mas magandang pwedeng gawin."dagdag pa neto.
"Okay."kaagad na sagot ko at tumango. Sinabayan ko pa iyon ng pag ngiti para ipakitang friendly ako. Napapansin ko kasing hindi sila kumportable.
"O-okay.. Uhm.. saan mo gusto gawin ang meeting?"ang matangkad na babae ang nagtanong.
Napalabi ako. Hindi ko man lang alam ang mga pangalan nila. Pero pamilyar sila saakin dahil palagi ko silang nakikita dito sa classroom.
"Saan niyo ba gusto pag usapan?"tanong ko pabalik.
Nagkatinginan silang dalawa bago tumingin saakin.
"May cafe sa labas ng school.. kung ayos lang saiyo.. kung wala kang lakad o importanteng gagawin."sabi nong maliit na babae, nakasilip na siya sa gilid nang katawan ng matangkad na babae.
"Okay. Mamayang uwian sa cafe."pag uulit ko at tumingin sa suot na relo.
Sabay silang tumango kaya napangiti ako.
"U-umm.. iyon lang."sabi pa neto at nagmamadaling umalis sa harapan. Sinundan ko sila ng tingin. May kinausap silang ibang estudyante pero mukha silang kumportable sa ginagawa. Napalabi ako.