Chapter 32

132 12 5
                                    

Sinamahan nga ako ni Leighton na mamasyal sa manggahan. Nga lang ay hindi kami magkasabay, para kaming hindi magkakilala dahil ang layo niya sa akin. Nauuna siyang naglalakad kaysa sa akin. Walang imikan at para akong mabibingi sa katahimikan.

Akala ko ay may magandang pwedeng matignan sa mangggahan pero wala dahil wala ngang mga hinog yung mga mangga. Mga baby palang yung mga bunga kasi hindi pa talaga harvesting season ng mga mangga kaya wala akong makuha.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko.

Huminto ako sa paglakad at napansin yun ni Leighton. He turned around with a knotted brows.

"Why did you stop walking?"

"Ang boring. Balik nalang tayo sa loob ng mansyon." sabi ko sabay talikod.

"Backing out now? I told you that just stay inside. You didn't listen."

Bumuntong-hininga ulit ako. "Akala ko kasi may interesting na gagawin dito."

"Interesting? Sinabi ko na sayo na manatili ka lang sa loob dahil maputik din dito, hindi ka nakinig and now you're complaining. Come on, let's go."

Medyo naiirita ang tono niya. Bigla akong nainis kasi hindi ko naman kasalanan na sumama siya sa akin. Si manang ang gusto kong makasama. Siguro kung si manang ang kasama ko ay hindi ganito kaboring kasi kausap ko siya.

"Ewan ko sayo, kasalanan mo naman na nagpresinta ka." I mumbled annoyingly as I turned around to start walking.

"Santina! What's wrong with you? Sinabi ko nalang na bumalik tayo tapos nagagalit ka na!"

Hindi ko siya pinansin at dumiretso lang ako sa paglalakad. May pagmamadali ang lakad ko pero hindi naman niya ako pinigilan pero nakasunod siya sa akin. Kung sa ibang pagkakataon lang siguro ay pinigilan na niya ako.

It's because of the stress that's why he's restraining himself from giving me that. Siya talaga ang ituturo kong salarin kapag may mangyari sa akin na ano lang.

Hanggang makapasok ako sa mansyon ay dumiretso lang ako papunta sa kwarto ko. Hindi ko nga pinansin ang mga taong nandun sa loob na nagkakasiyahan. Nakayuko lang ako at walang hinto sa paglakakad.

"Santina. Let's talk."

Pagpasok ko sa kwarto ko ay pumasok din si Leighton. Hindi ko inaasahan na susundan niya ako hanggang sa kwarto ko.

Pasalpak akong umupo sa may sofa na hindi nakatingin sa kanya. Tinukod ko ang mukha ko gamit ang aking kamay na nasa armrest. Sinarado ni Leighton ang pinto at malalaking hakbang ang ginawa niya papunta sa akin.

"What's the problem huh? Why are you so suddenly got that attitude? I only said na bumalik na tayo dito."

I shifted my face. "Tsk. Anong problema ko? Yung tono mo kanina. Kung napipilitan ka lang naman na sumama sa akin kanina eh bakit nagpresinta ka pa na ikaw nalang ang sasama sa akin kanina? Edi sana si manang ang kasama ko." Diin kong sagot.

"So yan ang ikinagagalit mo dahil medyo nagsungit ako kanina?" Kalmado lang ang pagsagot niya pero hindi yung tipo na magaan sa loob.

"Hindi ako galit." Naiirita kong saboy.

"Then what's that attitude for kung hindi ka galit?" He sighed exasperatedly. "Santina, will you please stop acting that way? Mas masstress ka lang kung mainis ka sa walang kwentang bagay."

Nag-init agad ang ulo ko sa sagot niya. Mabuti nalang kaharap ko siya dahil pinalo ko siya sa sikmura. Napaatras siya pero agad niyang sinangga ang kanyang dalawang braso mula sa mga sunod-sunod kong pagpalo sa kanya.

Leighton Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon