I never wanted to stay at my mother's house because I always felt like something was stopping me from being the person I am.
Sa tuwing narito ako ay hindi ako makagalaw nang maayos na parang nakakulong ako.
I have always felt that way since I was a kid. But for the first time, I felt like I was home and also for the first time, I preferred noise over peace and silence.
Mas gugustuhin kong maingay ang paligid ko kesa sa sarili kong utak na wala namang nakakarinig maliban sa akin.
Hindi ako iniiwan mag isa ni Mommy at ng mga kapatid ko. Pero dahil kailangan parin nilang pumasok sa school at trabaho, madalas ay si Keisha ang kasama ko rito sa bahay.
Kulang nalang ay ampunin na siya ng pamilya ko at dito na siya tumira dahil hindi na siya umuuwi sa bahay niya.
Napaka ingay niya at hindi na 'yon bago sa akin dahil sa tagal ng pagkakaibigan namin.
Pero kung dati ay naiirita ako sa tuwing nasosobrahan ang kadaldalan niya, ngayon naman ay ipinagsasalamat ko iyon dahil siya nalang ang kayang magpatahimik ng utak ko kahit na sa makling panahon lamang.
I listened to her stories kahit na paulit-ulit na ang mga iyon.
"K, am I a bad person?" I interrupted her.
Her lips parted and then she blinked. "What?"
"Masama ba akong tao?" ulit ko.
"Why'd you think of that?"
"Kasi baka masama akong tao kaya ako pinaparusahan. Malaking kasalanan ba 'yong pagiging mataas ng pride ko at 'yong tigas ng puso kong magpatawad?"
Naubusan na ako ng mga luha kaya walang nagpapatulog sa akin tuwing gabi.
Nakatitig lang ako sa kawalan at nagpapalunod sa sarili kong isipan habang sinasakal ng mga katanungan.
Alam kong hindi ako mabuting tao at marami akong kasalanan, but which of those was the heaviest to deserve this kind of punishment?
Sobrang bigat ba nun at ang katumbas ng kasalanang 'yon para matuto ako ay ang pag agaw sa pinakamamahal ko?
Maraming paraan para parusahan ako.
Pero bakit si Rain pa? Probably because they knew it'd ruin me, making it the best way for them.
"No..no, of course not." Napabalikwas ako noong hawakan ni Keisha ang kamay ko.
"You are not a bad person, Loreen."Hindi ako nagsalita.
Sighing, she scooted closer to me because we were sitting on my bed.
"What can I do to make you feel better?" she asked. "Maybe gummy bears? or cotton candy? Yeah, cotton candy. That always makes me feel better."
Tatayo na sana siya para kuhanan ako nung mga pagkaing binanggit niya pero hawakan ko ang braso niya.
"It wouldn't work, K."
Maliit akong ngumiti para hindi ko masaktan ang damdamin niya pero hindi 'yon umabot sa mga mata ko kaya naging mapait 'yon.
"Only justice could make me feel better."
I meant every word I said kaya noong sumunod na trial ay buong loob kong hinarap ang lahat.
Ganoon parin ang tingin sa akin ng mga tao noong unang pumutok ang balita sa pagkamatay ng fiance ko—puno ng awa at kalungkutan.
Pero taas noo akong naglakad sa harapan nila dahil ang tanging gusto kong makita nila sa akin ay ang determinasyong makamit ang hustisya, hindi kahinaan.