"Thank you, Daphne," I told the old lady after I left her house with a basket of apples I picked from her garden.
"You're welcome, Grace."
She smiled at me, which I gave back before turning on my heels to go back in my cabin to the neighboring island of theirs.
Naghintay ako ng bangka sa tabing dagat na magdadala sa akin sa kabilang isla hanggang sa makita ako ni Thomas at nag representing ihatid ako dahil pinagbigyan ko raw siyang manalo sa billiard kahapon.
Nagpasalamat ako sa kanya at binigyan siya ng isang pirasong mansanas noong makadaong ang bangka niya sa isla, at tsaka ako nag umpisang maglakad papunta sa cabin, pero napatigil ako dahil napansin kong slanted 'yong door mat.
I was a pretty organized person so I always made sure that my things were perfectly arranged.
Tilting my head, I eventually shrugged my shoulders and chose to ignore it dahil baka hinangin lang 'yon, pero muli akong natigilan noong umawang ang pinto kahit na hindi ko pa pinipihit 'yong door knob.
My heart drummed against my chest.
I always lock the door at sigurado akong nilock ko 'yon bago ako umalis kanina...
Bending over, I squinted my eyes and examined the keyhole.
There were scratches, which means someone tried to open it and succeeded.
In short, someone broke in.
Mas lumakas ang tibok ng puso ko pero pinatatag ko ang sarili ko at maingat na humakbang papasok—doing my best not to make any sound in order to not alarm the intruder.
Tumingin ako sa paligid at wala naman akong nakitang kakaiba dahil lahat ng mga gamit ay naroon parin sa kung saan ko sila huling nakita. Pero hindi parin dapat ako makampante dahil hindi ko pa nachecheck ang lahat ng sulok ng cabin.
Tightening my hold to the basket of apples, I took a deep breath and made my way toward the bedroom.
Each of my steps were careful, even my breathing was so quiet despite my racing heart.
Muli akong huminga nang malalim at kumagat sa pang ibabang labi bago ako humawak sa doorknob ng bedroom at mabilis iyong tinulak
"AAHHH!" I screamed on the top of my lungs.
"AAAHH!" the intruder screamed too.
Hinampas ko sa nanloob 'yong basket ng mansanas habang nagpapalakasan kami ng sigaw kahit na alam kong walang makakarinig sa amin dahil kami lang ang tao rito sa isla.
Hindi ako tutulungan ng mga alon laban sa masamang loob na ito at hindi ako so snow white para tulungan ng mga ligaw na hayop...
Oh my god, I'm going to die!
I'm going to die...
I'm going to die...
Paulit-ulit kong hinampas at pinagbabato ng mansanas ang lalaki sa harapan ko na nakakapagtakang hindi ako nilalabanan.
"It's me! It's me!" the intruder shouted—raising his hands in the air to surrender.
Pumreno ang kamay kong may hawak na mansanas na siya sanang ibabato ko sa lalaking nasa harapan ko at ilang beses akong napakurap, hanggang sa mapagtanto ko kung sino siya.
"What are you doing in my room!?" sigaw ko kay Hiruki.
"Jeez, Loreen!" sigaw niya rin sa akin.
Sinubukan niyang humakbang palapit sa akin pero pinagbangtaan ko ulit siya gamit ang hawak kong mansanas.