Revelation: Part 6

253 5 0
                                    

Warning: The next part contains mature content and languages that is not suitable for young readers. Do not Read this part or the story if you don't like this kind of Themes.

Halos hindi parin makapaniwala si Edward sa nangyari kaninang tagpo sa kanila ni Dome.

Naghahanda siya ng hapunan nila ngunit hindi magsink in sa utak niya ang ginawang pambabastos sa kanya ng Anak.

Ngunit siya ba talaga ang bastos? 

Eh kung sa ibang tao ang mag iisip at makikita sa tagpo kanina mukhang karapat dapat lamang sa akin ang naging reaksyon ng aking anak sa ginawa ko. Nakaharap siya sa kanyang nilulutong adobong Baboy ngunit hindi mabubura sa isip niya ang mga pangyayari. 

"Anong nangyayari sa anak ko" 

Nasabi ni Edward sa sarili habang panaka naka niyang hinahalo ang kanyang niluluto.

Nakapaghanda na siya ng kanilang hapunan.kanina pa niya inaantay si Dome Ngunit hanggang ngayon hindi pa siya nagbabalik magmula kanina. 

Hindi naman niya magawang tawagan ito dahil baka hindi rin lang nito sagutin at kahit sagutin nito baka pagsabihan lang siya nito ng masasakit ng salita. 

"Patawad sa nagawa ko Dome, kahit ano tatanggapin ko mapatawad mo lang ako..
Anak ko.

Ang naisasatinig ni Edward habang nagsisimula ng pumatak ang kanyang mga luha. 

Natigilan lang siya pag-iisip ng kung ano ano ng may biglang tumigil na Motor sa harap ng kanilang bahay at nakaramdam siya ng ginhawa ng tumunog ang kanilang Gate na palatandaan na may dumating. 

Kumakabog ang kanyang dibdib. Nag iisip siya ng kung ano ang sasabihin niya sa kanyang anak. kakausapin ko ba siya or sasalubungin gaya ng dati?.

Bumukas na ang pintuan may mga yapak na siyang naririnig sa tantiya niya at patungo sa kung saan siya ngayon.

 Si Dome ang dumating walang ka rea -eaksyon ang kanyang mukha,.

Basta dericho lang siya sa kinarorounan ng Ref. binuksan niya ito at saka itinungga ang laman ng pitcher na tubig. nakamasid lamang si Edward naghihintay kung ano ang ibabatong salita sa kanya ng Anak niya ng magsalita ito.

"GOOD EVENING PAPA,.Anong ulam natin? 

Pasensya kana hindi kita napansin".

Ngayon mayron ng kunting ngiti sa kanyang mukha. Napangiti naman si Edward sa naging bungad ng anak niya sa kanya.

Pinakitunguhan niya naman ito ng maayos. 

"Ito anak nagluto ako nga paborito mong ulam", 

 Kasabay ng bukas sa takim ng ulam na nasa palayok. 

"Gusto mo ipaghainan na kita? alok nito sa anak." 

Talaga papa na miss ko yan puro mo kasi di lata ang naging ulam ko sa training." Saka na umupo si Dome at naghihintay sa ihahain sa kanya ng kanyang Ama. 

Sarap na sarap naman sa pagkain si Dome Halatang nasabik sa mga lutong ulam na madalas ihain sa kanila ng kanyang Papa Edward. 

Sa pagmamadali ni Dome sa paglunok ng pagkain at halata talagang kanina pa gutom.

"Oh dahan dahan lang Anak, baka mabulunan ka"

Sabay abot ng tubig sa kanya.

"Pasensya kana Papa talagang natakam talaga ako sa luto mo ang sarap kasi"

Sabay abot sa tubig at ininum. Sumilay sa mukha nito ang ngiti tuloy tuloy lang sa pagkain. Inalukan niya pa ito muli ng kanin dahil naubos na nito ang nakalagay sa kanilang serving Plate.

Pamilya Mapalad-Paraiso sa SyudadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon