Untitled Part 1

1 0 0
                                    


 INT. MICROSOURCING OFFICE- 2:30 AM



Mataas na building. Makikita si JOHN, 22yo, na nakadungaw sa glass window. Maingay ang paligid. Abala ang lahat sa kaniya-kaniya nilang pakikipagusap sa kliyente mula sa telepono. Walang pakialam at tuliro sa ingay ng opisina si JOHN habang pinapanood ang mga naglalakad na tao papunta sa smoking area. Nakakabinging katahimikan at alitaptap kung titignan ang mga poste ng ilaw, na nagsisilbing liwanag sa nababalot na kadiliman ng gabi. Matutula si JOHN sa kawalan at kakausapin ang sarili.



JOHN


" Ano nga bang meron sayo na pilit kong binabalikan kahit alam kong panandalian lang?"



Hihingang malalim si JOHN at sisilipin ang suot niyang Casio watch. 2:30AM. Maguunat si JOHN at dali-daling maglalakad palabas ng office na parang may hinahabol na deadline.



EXT. INT. IN FRONT OF ELEVATOR, 6TH FLOOR- 2:31 AM


Ilang beses pipindutin ni JOHN ang ground floor button ng elevator. Naiinis na siya sa bagal ng pagbaba nito. Binabantayan niya ang signal number ng elevator na maging "G" Magsasalita ang machine operator ng elevator "Ground floor!" Mawawala ang kunot sa kilay ni JOHN at mapapangiti.


JOHN


"Alam kong hindi lang naman ako, e. Marami pang iba."


EXT. FRONT BUILDING, SMOKING AREA- 2:32 AM


Maraming tao ang nagkukrus ang daan, papunta at pabalik ng building. Ngingisi ang mga labi ni JOHN at makikisabay sa mga taong naglalakad papunta ng smoking area. Hahanap ito ng pupwestuhan. Umupo si JOHN sa upuan na gawa sa bato katabi ang ashtray. Bubunot siya ng lighter at isang kaha ng Marlboro Red sa bulsa, at magiipit ito ng isang stick sa labi.


JOHN


"Pero okay lang. Wala akong pakialam." Kinakausap ni JOHN ang sarili niya na parang kumpare niya si alter ego. Sisindihan niya ang Marlboro Red at hihithitin ito. Matapos ay bubuga ng usok na animoy naglalabas ng hangin mula sa pagod. Maraming extrangherong kasabay si JOHN. May kanya-kanyang pinagkakaabalahan. Mapapatingin siya sa mga nagkukumpulan para sa baon nilang chismis. Mapupunta din ang gawi niya sa mga binatang gigil na gigil sa paglalaro ng ML. Mapapasulyap din ito sa babaeng nasa right side niya na 'di maipinta ang mukha, nakasuot ang airpods habang nagiiscroll ng kanta sa playlist.

Tara, break?Where stories live. Discover now