Chapter 6

9K 273 4
                                    

NAGMAMADALING tumakbo siya papunta sa lobby ng ospital. Luminga siya sa paligid para hanapin si Jasper. She fixed her hair and looked around. Marami kasing tao ngayon sa lobby. Visiting hours pa rin kasi.

"Nasaan na kaya yung mokong na yun?" mahinang sambit niya. Akmang ida-dial na niya ang number nito nang may tumakip sa mga mata niya.

"Guess who?"

Napangiti siya. "Hmm.. Aqua Man?" biro niya.

He chuckled. "Nope. Close."

"Hmm.. Squidward?"

He laughed. "Mukha ba akong lamang dagat?" tinanggal na nito ang pagkakatakip sa mata niya. "You look pretty." puri nito sa kanya.

She smiled. "Salamat. Ang gwapo mo ngayon ah. Saan burol?" biro niya rito. He was wearing a simple white polo paired with black jeans and rubber shoes.

Natawa ito. "Sa Arlington."

"Wow! Rich kid!" nakangiting siniko niya ito.

Napakamot ito sa batok. "Tara na?"

Tumango siya. "Tara na!" umabrisyete siya rito.

PUMASOK sila sa isang malaking gusali. Hindi niya alam kung nasaan na sila pero alam niyang nasa parte pa rin sila ng Makati. It looks like a very cozy hotel. Pumasok sila sa elevator nang bumukas iyon.

Siniko niya ito. "Hoy! Hindi mo naman siguro ako rerapein no?" nakataas na kilay na tanong niya rito.

He chuckled. "Sira! Bakit ko naman gagawin yun?" pinindot nito ang button sa elevator.

She rolled her eyes. "Yun yung mga napapanuod ko eh. Naninigurado lang."

"Alam mong hindi ko iyon magagawa sa'yo. Ikaw talaga." pinisil nito ang pisngi niya. "Ang cute cute mo!" nakangiting siniko siya nito.

"Aray ko!" she whined.

He laughed. "Oh. Andito na tayo." inalalayan siya nitong makalabas ng elevator. "Aakyat lang tayo ng mga limang daang palapag ah. Isipin mo na lang na may sunog para kayanin mo." biro nito.

She glared at him. "Sapak you want? Limang daan? Gusto mo bang bumigay ang mga makinis kong legs! Nakakaloka."

He smiled. "Joke lang. Kaunting akyat lang at nandun na tayo." hinawakan nito ang kamay niya at iginiya na siya nito paakyat sa hagdanan.

Her eyes feasted when she saw the set up at the rooftop. The view was breathtaking. Malapit na kasing lumubog ang araw. There were christmas lights hanging and rose petals were all over the huge round pillows. May mga maliliit na scented candles din sa gilid na talaga namang napakabango. There was this large screen in front and a projector. May mesita rin na naglalaman ng mga pagkain at kutkutin. May birthday cake rin sa ibabaw nun.

"Wow!" amazed na sambit niya.

He smiled at her. "Liked it?"

She nodded. "I love it."

"Glad you like it then. Tara nuod na tayo." he grabbed her hand and helped her sit down at one of the huge round pillows on the floor.

"What movie?" tanong niya rito.

"Hmm.. What do you want to watch?" balik tanong nito sa kanya habang sinisindihan ang kandila ng cake niya.

She smiled widely. "The Proposal!"

Umiling ito at ngumiti. "Sabi na eh. Ilang beses na kitang naaabutan sa quarters na pinapanuod yun gamit ang laptop ko eh."

Natawa siya. "Sorry na. Nakakahiya naman kasing i-download eh."

Anghel sa Lupa (Brett Arana & Sarah Joy Galban)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon