Kabanata 3

12 0 0
                                    

Muli akong napakain ng cake habang hindi inaalis ang tingin kay levi.

"Hmm.. pwede rin. Sulitin narin natin." Kaagad na tugon ni henry.

"G-gusto ko rin mag booth nalang.. for experience."ani yuki.

"Booth din ako pero kung gusto niyo ng presentation ayos lang din saakin."Nathan.

"Booth."tugon ko rin.

"Booth."wika rin ni levi at nag angat ng tingin. Kaagad akong ngumiti ng magtama ang paningin namin. Kaagad na kumunot ang noo niya bago nag iwas ng tingin.

"Kung ganon ang gagawin natin ay booth. Kung may aalma magsabi na."wika ni melody. Walang sumagot sa kanya tanda na may napagdesisyonan na.

Napangisi nalang ako. Hindi makapaniwalang ang bilis magbago ng desisyon ng kasama dahil sa isang salita ni levi.

"So booth ang pinili natin. Kailangan natin ng Location, cost of materials and equipment as soon as possible. Dahil gaganapin ang activity na ito sa sport day, which is in 13 days."pagpapaliwanag ni melody.

"Anong klaseng booth ang gagawin natin?"tanong ni henry kaya napaisip din ako.

"We are representing the biology class. So basically dapat may kinalaman sa subject na iyon."wika ni nathan.

Naisuklay ko ang daliri sa buhok at tipid na ngumiti. "Ang sabi mo sa sport day gaganapin. Ang target natin ay mga estudyante at mga manonood sa araw na iyon. At tatlong araw ang sport day."simula ko at muling napaisip. Last year ang daming estudyante galing sa ibat ibang school dagdag pa ang mga matatandang gusto ring manood. Open for public kasi ang araw na iyon.

"Yes."sagot ni melody.

Mariin kong nakagat ang labi ko. Kung player lang sana ako hindi ako mamomoblema ng ganito. Bakit kasi absent ako ng kuhaan ng player? Pwede pa bang humabol?

Umayos ako ng upo ng mapansing nakatingin sila saakin.

"How about.."mabagal na sabi ko at napatingin sa pagkaing nasa harap ko. "Food."hindi pa siguradong sabi ko.

"Food? I'm thinking about free experimenting sa lab.. anyone can enter."wika ni henry.

"Or g-gardening?"suggestion ni yuki. Malungkot akong tumingin sa kanya bago binalingan si henry.

Kaagad akong napangiwi. "Sino ang mag iexperiment sa sport day sa lab sa araw ng kasayahan? Mga nerds? Kahit mga nerd kailangan din magpahinga."kaagad na tugon ko. Napatingin naman ito saakin na para bang nagulat.

"Suggestion ko lang okay? Chill out bro."natatawang sabi niya.

"We can't do lab, it' s dangerous. Lalo na kung lahat ng tao ay libreng makapasok, wala tayong sapat na tao para mag monitor."wika ni levi kaya sabay sabay kaming napatingin sa kanya.

"T-true.."pagsang ayon naman ni yuki.

"I agreed."

"May point naman ang sinabi mo."pagsang ayon kaagad ni henry.

"Food lang ang pwede."sabi naman ni nathan.

Muli akong uminom sa kape ko habang tinitignan silang nagsasalita. Nakikinig sa kanya ang kagrupo ko at walang nakikipagtalo at kaagad silang sumasang ayon sa kanya. Like they are following his lead.

Napangisi ako sa naisip. Something off.

Ibinalik ko ang tingin kay levi.

"Ang purpose ng sport day ay para mag saya at manood. While watching the sport they like, mas maganda kong may kinakain sila." Pagpapatuloy pa niya.

THE BETATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon