h a v e n 1

9 4 1
                                    

Araw ng mga puso, nakipagkita si Patricia kay Haven doon sa may plaza katapatan ang simbahang Katoliko. Maraming mga magkakasintahan ang nagtatawanan, at nagkukuwentuhan sa kanilang mga minamahal. Hindi masyadong mainit ang panahon, kahit alas-dies na ng umaga.


"Akala ko hindi ka na makakarating Sempai," ngiting kapit-kapit ang kaliwang kamay ni Haven.


Matanda si Haven ng dalawang taon kay Patricia, at dahil nagkakilala sila sa trabaho hindi mapigilan ng binatilyo na hindi niya makuha ang kamay ng dalaga.


"Masaya akong nakarating ka mahal ko," ngiting saad ni Haven.

"Sempai saan tayo magdedeyt?" ngiting tanong ni Patricia.

"Syempre sa kung saan hindi tayo makikita ng pinsan kong pakilamera," tugon ng binatilyo.


Idinaus-os na ni Haven ang kanyang kaliwang kamay sa hita ni Patricia na ikinasandal niya sa kaliwang balikat ng binatilyo.


"Sempai maraming tao...huwag dito. Let's go somewhere else." Suwestyon ni Patricia.


Dahil mahilig sina Haven, at Patricia sa Anime ay sinimulang tawagin ng dalaga ang kasintahan na Sempai na kahulugan ay 'kuya'. Noon ay ilang si Haven pero nasanay na siya dahilan sa maganda, seksi, matalino, at mayaman naman si Patricia. Mahaba ang buhok ng dalaga na aabot hanggang ilalim ng dibdib sa haba, singkit ang mga mata, manipis ang labi, matangos ang ilong, at maputi ang balat.


"Susunod na lang ako saiyo kung saan tayo pupunta," wika ni Haven na ikinangiti na lang pabalik ng kasintahan.

Natural HavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon