-AUSTIN's POV-
Pagkagising ko ang sakit ng ulo ko.
*ugh*
Napatingin ako sa tabi ko at mahimbing pa din palang natutulog si Mae. Nakatulog na pala siya sa tabi ko. Single bed lang toh. Buti na lang hindi ako nahulog, malikot pa naman tong matulog.
Hinawi ko ang buhok niya na nakatakip sa mukha niya. Ang sarap gumising ng ganto, katabi ang mahal mo na nakayakap sa'yo.
Nasinagan ng araw ang mukha niya dahilan ng paggising niya.
"Good morning, my princess!" A kiss on her forehead to start a day.
"Good morning! Kanina ka pang gising?"
"Hindi naman. Kakagising ko din lang."
"Masakit ba ulo mo? Ano oras na ba?" Tumingin siya sa orasan na nasa kwarto. "Aish! Hapon na pala! Ano ba yan? Napasarap tulog ko!"
Bigla siyang tumayo at nagtatakbo sa banyo. 1:30 na kasi. Bakit naman nga kasi walang gumising sa'min?
"Austin, tayo ka na dyan! Tara na magalmusal! Uminom ka na din ng gamot. Gusto ko maligo ng dagat ngayon. Hindi ako nakaligo kahapon e!" sabi niya pag labas ng banyo. Kinuha niya yung damit niya sa maleta niya at pumasok uli ng banyo.
Oo, maleta dala niya. Ewan ko nga ba sa babaeng yan. Tatlong araw lang naman kami dito, dinala na lahat ng gamit sa kwarto niya. Psh.
"Mamaya ng konti. Please? Ang sakit pa ng ulo ko, Moo!" sigaw ko habang hinihilot hilot ko ulo ko. Ang sakit talaga. Napadami ata inom ko kahapon.
"Ee! Dali na Moo! 2 na oh! Gutom na din ako." sigaw din niya. Maya maya pa ay lumabas na din siya sa banyo.
(O_O)
(O_o)
(¬_¬)
"Paltan mo yang damit mo kung ayaw mong tumigil lang tayo dito sa kwarto!"
"Hah? Moo naman! Ngayon lang naman uli ako nagsuot ng ganto! Tsaka anong ipapalit ko? Shorts at sando? Pano ako makakalangoy e ang bigat sa katawan ng mga yun?!"
BINABASA MO ANG
You and I Forever
Novela JuvenilWhen your life goes wrong don't waste your time lookin' back in what you've lost, for the road of life was never meant to be traveled backward. Just move on and say, "things always happen for REASON."