Chapter 7

5.9K 177 2
                                    


Nanumbalik ang lakas ko matapos kong magpahinga ng sampung minuto. Muli kong ipinagpatuloy ang typing works ko. Kailangan kong matapos agad dito dahil ayokong maging katawa-tawa kay Chris. Hindi ako magpapatalo sa kanya!

Makalipas ang dalawang oras ay tuluyan ko nang natapos ang typing works ko! Napangiti ako, parang isang accomplishment sa buhay ko ang natupad.

Wag ka ngang eksaherada mel! Tila bulyaw naman ng isip ko.

Matapos kong maipasa kay Chris ang soft copy ay nagtuloy na kami sa mga susunod na training ko. Naging mabilis ang takbo ng oras at puro tungkol lang sa training ko ang pinag-usapan namin ni Chris. Isinawalang bahala ko muna ang galit ko sa kanya.

"Let's finished this again tomorrow" Saad niya bago sinara ang laptop niya.

Hindi ko napansing gabi na pala! Masyadong natuon ang buong atensyon ko sa pagtuturo niya sa akin.

"Okay." Tanging sagot ko saka na rin inayos ang mga gamit ko.

"I think, you're starting to like it." He said out of a sudden while he was intently looking at me.

"About what?" my brows shot up.

"To take your job... seriously." he answered.

Napakibit-balikat na lang ako. I actually don't know why I'm starting to take things seriously. Kung sabagay, nag-uumpisa palang naman ako, I will see when I get there. But right now, I really want to do my best.

"I just realized I need to stand on my own feet now. So, why not give it a try, right?" sagot ko. I almost forgot whom I'm talking to right now.

"Yeah..." ngiting sagot ni Chris sa akin. Nangunot ang noo ko dahil sa paraan ng pagngiti niya ngayon.

"Anong ngini-ngiti mo dyan?" pagsusuplada ko. Iniwas ko na ang tingin sa kanya at itinuon na lang ang atensyon sa mga gamit ko.

"Wala lang. Masaya lang ako na kahit kaunti, nakapag-usap tayo ng matino." aniya.

"What do you mean? Na madalas hindi ako matinong kausap?" muling tanong ko sa kanya kahit ang totoo naman iyon.

When did we had a casual talk since we got married?

"No. I mean, sana lagi tayong ganito. Yung parang walang hatred. Masaya na ako doon." seryosong sagot niya.

Lihim akong napangiwi. Hindi na ako nakapagsalita. Ano nga ba ang pwede kong sabihin? This feels so awkward.

Siguro na-immune na siya sa parating pabalya kong pakikipag-usap sa kanya.

Ilang sandali pa ay muli siyang nagsalita.

"Can we start over again, Mel? Kahit sa pagiging magkaibigan lang?" maang tanong niya sa akin.

My eyes widened but I didn't let him see it. I bit my lower lip and exhaled.

"I—I don't know. Can we just go home? I'm tired." pag-iiwas ko at nagkunwaring handa na sa paglabas.

Tumango naman siya.

"Okay, I understand, Melissa. But... can I ask a favor? Please?" He pleaded. 

I looked at him at nakita ko ang pagsusumamo sa kanyang mga mata.

"What?"

He licked his lips before he answer.

"Can we have some dinner outside? Just.. a little celebration. You know? For your... progress." Napakamot siya sa kanyang ulo.

He looked like a timid boy asking a girl to have a date with him. Psh. Whatever!

Sige na nga! Para wala na akong utang na loob sa kanya.

"Okay. But just this once tutal tinutulungan mo naman ako. Isipin mo na lang na kabayaran ko 'to sa'yo." Paliwanag ko sa kanya. Ayaw kong isipin niyang lumalambot na ang puso ko sa kanya.

Masayang napatango naman siya.

Tinanong pa ako ni Chris kung uuwi pa ba kami para makapag-ayos pa ako pero tumanggi ako. Naglagay na lang ako ng konting foundation at blush-on sa mukha at saka nagpahid ng kulay pulang lipstick sa aking labi.

Mabilis na naming nilisan ang kompanya at nagtungo na sa isang sikat na restaurant. Maingat na inalalayan ako ni Chris paibis sa kotse at magkaagapay na kaming pumasok sa restaurant.

I don't want to think that we look like a couple right now. But base on the smile and look on the face of the waiter that serves us, he think that we really are.

Hinayaan ko na lamang na si Chris na ang pumili ng makakain. Habang nag-oorder siya ay nagkaroon ako ng pagkakataong pagmasdan siya.

He looked dashing even with a few stubbles on his face. It just made him more manly and define his masculity. Hindi ko rin maiwasang ituon ang tingin sa kanyang mapupulang labi. He's licking his lips and I unconsciously held my breath everytime he did that.

Kung sana lang sa ibang pagkakataon kami nagkakilala. At kung sana lang ay totoong mahal ko ang lalaking kaharap ko ngayon ay talagang napakaswerte ko.

But I don't feel that way. I don't...love him.

CHRIS

Pakiramdam ko ay naging maganda ang araw na ito sa akin. Masaya akong napapayag ko si Mel na lumabas kahit ngayon lang.

Parang isang dyosa ang babaeng kaharap ko ngayon habang kumakain. Kahit simple lang ang ayos niya ngayon ay hindi matatawaran ang ganda niya. She's breathtakingly gorgeous. Napakaswerte ko dahil ako ang asawa niya. Iyon nga lang—hindi niya ako mahal.

Ilang taon ko na ba siyang minamahal? Matagal na! Since the first time I laid my eyes on her when her father introduced me to her when she was in highschool. She was so innocent back then. Kaya naman agad akong nahulog sa kanya.

Actually, naging maging magkaibigan kami noon. It was all perfect then. She treated me like her older brother. Sinasabi niya sa akin ang mga problema niya. Kung hindi lang ako torpe noon siguro hindi ako nauhan ng iba sa kanya—si Mark.

Magmemerge daw ang companies namin kaya nakapagdesisyon silang i-arranged marriage kami ni Melissa para tumibay pa ang samahan ng both companies. Pinigilan ko si Dad dahil alam kong hindi papayag si Mel, but 'twas too late. Sukdulan na ang galit niya sa akin.

She hates me more than anything. Ako ang sinisi niya kung bakit sila naghiwalay ng kasintahan niya and I can't bear with it. Everyday of our married life she cursed me. Naiintindihan ko siya kaya kahit masakit na nagbago na ang dating pagtrato niya sa akin. Hoping someday I can mend her broken heart and that she'll eventually fall for me too.

Unfaithful Wife | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon