December 31, 2007
Nasa loob kami ng treehouse na ginawa ni Papa. Maganda 'yung hapon—tahimik lang, at naririnig namin ang mga ibon na humuhuni sa labas.
Nakaupo kami ni Dottie sa sahig, nagd-drawing ng mga kung anu-anong bagay. Siya, abala sa pag-sketch ng bulaklak, at ako naman, patuloy na tumitingin sa maliit na singsing sa bulsa ko.
"Dottie," tawag ko sa kaniya, gamit 'yung palayaw na ako lang ang tumatawag sa kaniya.
Tumingin siya sa akin, nagtataka. Hinawakan ko ang kamay niya at kinuha ko 'yung maliit na silver na singsing na may disenyong tatlong bulaklak.
Nilagay ko sa palad niya, kita ko 'yung liwanag sa mga mata niya habang tinititigan ang singsing.
"When we grow up, like big adults, I'm going to marry you," buong tapang kong sabi.
Ngumiti si Dottie habang suot ang maliit na singsing, tila di pa masyadong nauunawaan ang bigat ng mga salitang binitiwan ko. Pero para sa akin, seryoso iyon. Habang nakaupo kami sa gitna ng mga lapis at papel, naramdaman ko ang init ng kamay niya sa akin.
We are still seven years old pero para bang alam ko na noon pa lang na gusto ko siyang makasama palagi.
"Demi," tawag niya sa akin, gamit ang nickname na sa kaniya ko lang pinapayagan. "Bakit mo ako gusto pakasalan?"
Hinawakan ko ng mas mahigpit ang kamay niya, nag-iisip ng tamang sagot. Hindi pa siguro ako marunong magpaliwanag ng ganong pakiramdam, pero alam ko na espesyal si Dottie para sa akin. Lagi kaming magkasama—nagpapalipad ng saranggola, gumagawa ng treehouse plans kasama si Papa, at naglalaro sa bakuran. Wala akong kilalang ibang tao na nagpapasaya sa akin gaya ng ginagawa niya.
"Kasi... gusto kong lagi kitang kasama," sagot ko, sabay ngiti. "Wala akong ibang best friend na tulad mo. At gusto ko, kahit pagtanda natin, best friends pa rin tayo!"
Napangiti si Dottie, kitang-kita ko ang kinang sa kaniyang mga mata. Hinawakan niya ang singsing at tila iniisip ang sinabi ko.
"Pero," sabi niya, nakakunot ang noo, "what if... may ibang gustong magpakasal sa'kin, Demi? Baka si Billy sa kabilang bahay. Sabi niya gusto niya akong maging asawa kapag malaki na kami!"
Hindi ko nagustuhan 'yung sinabi niya, pero hindi ako nagpahalata. Sa halip, ngumiti ako, kahit medyo mabigat 'yung pakiramdam sa dibdib ko sa di malamang dahilan.
"Eh, hindi niya naman ito binigay sa'yo, 'di ba?" turo ko sa singsing na suot niya habang nakanguso. "Ako ang nauna. Kaya, kapag malaki na tayo, ako 'yung pakakasalan mo."
Napatawa si Dottie, humilig sa gilid ng treehouse at tinitigan ako.
"Ang weird mo, Demi," sabi niya, pero alam kong natutuwa siya sa sinabi ko. "Pero sige, pangako. Ikaw 'yung pakakasalan ko. Pero dapat magaling ka pa ring mag-drawing kapag malaki na tayo, ha!"
Napangiti ako nang malapad, proud sa sinabi niya. "Promise! Gagaling pa ako sa pag-drawing! At ako 'yung magiging pinakamagaling na setter sa volleyball team."
"Eh di ba gusto mo rin maglaro ng basketball?" tanong niya.
"Oo, pero mas gusto ko volleyball. Kaya nga 'pag malaki na tayo, ikaw 'yung cheerleader ko!"
"Cheerleader?" Tinaas ni Dottie ang kilay niya, kunwaring di-sang-ayon. "Ayoko nun, gusto ko maglaro rin!"
"Pwede rin, setter ka rin!" biro ko, sabay tawa.
Humalakhak siya at binato ako ng isa sa mga crayons na nasa lapag. "Demi, ang kulit mo talaga!"
Minsan, iniisip ko kung naiintindihan ba niya talaga 'yung ibig sabihin ng lahat ng ito. Pero para sa akin, sigurado ako. Bata man kami, ang pangako ko kay Dottie ay hindi basta-basta.
"Kapag malaki na tayo, tandaan mo 'to, Dottie," bulong ko habang tinititigan siya. "Hindi kita makakalimutan, kahit anong mangyari."
Tahimik siya sandali, tapos ngumiti ulit, 'yung tipong ngiti na parang walang problema sa mundo. "Oo dapat lang! Kasi kung kinalimutan mo ako, hindi kita pakakasalan!"
Natawa ako, pero seryoso rin sa mga sasabibin. "Hindi ko magagawa 'yun, Dottie. Kahit anong mangyari, ikaw lang."
Ngumiti siya ulit, pero tila iniisip na 'yung susunod niyang gagawin. Pagkatapos ay bumalik siya sa drawing niya at ako naman, tumahimik na lang habang nakangiting tinitingnan siya.
Sa isipan ko, masyado mang engrande ang mga pangarap ko ngunit kasama siya sa bawat plano. Sa treehouse na 'yon, hindi ko alam kung ano ang hinaharap namin, pero isa lang ang sigurado: ang pangako na ginawa namin ng araw na iyon ay hindi maglalaho sa isip ko basta-basta.
Kahit na dumating pa sa puntong hindi niya na ako maalala pa.
BINABASA MO ANG
Forget Me Not
Romance"I once said I was your forever. That promise still stands, even if the years have taken it from your memory. I'm still yours." Demetrius Guevarra, the dedicated captain of Winterville Academy's volleyball team, has always held onto the memory of hi...