Kabanata 5

135 11 7
                                    

Balisa

I was woken when the sunlight hit my face. I slowly opened my eyes. When I saw the familiar room, I immediately sat down. Napasapo ko nalang ang aking ulo dahil sa biglaang kilos. Ang pagkakaalala ko ay nasa upuan ako, binabantayan si Fallus. Kumunot ang aking noo sa pagtataka dahil ngayon ay nasa kama ako at mag-isa.

After what I heard from him, he became quiet again. Wala na muli akong narinig na salita sa kanya pagkatapos. Ilang minuto pa akong natulala kahit na dinig ko na ang mahinang hilik niya. Hindi ko nga alam kung paano ko napasuot ang damit niya dahil sa pagkatulala.

When I regained my composure, after minutes of being stunned I texted my parents. I told them that I’ll be sleeping here. Hindi kase  bumababa ang lagnat ni Fallus kaya naiisipan ko itong bantayan. Mabuti nalang at pumayag ang mga ito. Sabagay kilala naman nila si Fallus.

Bumukas ang pintuan ng banyo ni Fallus kaya mabilis na dumapo ang tingin ko roon. The aftershave, mint, fresh green leaves, and his gentle scent from his perfume hit me instantly. His smell in the morning makes me feel dizzy. Hindi ko alam kung dahil ba sa biglaang pag-upo ko kanina o sa ibang dahilan. At kung ano man ang ibang dahilan na ‘yon ay ayokong malaman!

He's fresh out of the shower and only has a towel  wrapped around his waist. Unti-unting uminit ang pisngi ko dahil kitang kita ko ngayon ang kaniyang katawan na may tumutulo pang tubig! Nagtama ang aming mata kaya mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Muli ko rin narinig sa likod ng aking isipan ang katagang binanggit nito kagabi, na hanggang ngayon ay nagpapabalisa sa akin.

“You fell asleep on the chair so I moved you in the bed.” Nasagot nito ang katanungan sa isip ko kanina.

Hindi ko naman maiwasan ang panlalaki ng aking mata nang maglakad ito palapit sa akin. Tumigil ito sa tapat ng kama at nagpamewang pa kaya lantad na lantad ang kaniyang katawan sa harapan ko. Mabilis kong hinagis ang unan sa kanya dahil sa walang pakialam nito sa kilos niya.

I’m just being concerned here. Taging tuwalya lang ang suot nito. Paano kung mahulog ito? Makikita ko ang ‘ano’ niya!? Oh my god! Hindi talaga nag-iisip itong si Fallus! Babahiran niya pa ng kalaswaan ang inosente kong mga mata!

“Whoa! What’s that for?”

Tinapunan ko ito ng matalim na tingin kaya naman mabilis na pumaere ang kaniyang dalawang kamay. Halos mapatili naman ako nang muntik na mahulog ang tuwalya sa kanyang bewang dahil sa biglaang  kilos niya. Mabuti nalang ay mabilis niya itong nahawakan.

“Magbihis ka nga muna!” singal ko rito nang hindi ko na nakaya.

Kunot man ang noo dahil sa tono ng boses ko ay sinunod naman nito ang tinuran ko.

Napahawak naman ako sa aking dibdib dahil ramdam ko ang pagbilis ng pagtibok ng aking puso. Lintik na Fallus na ‘yan, kay aga-aga pinapaiinit niya ang ulo ko.

Humiga muli ako. Tinabunan ng kumot ang aking buong katawan hanggang sa aking ilong at tanging mata nalang ang nakalitaw. Bumuga ako ng hangin upang maikalma ko ang aking sarili. Hindi ko mawari kung bakit sobrang bilis ng tibok ng aking puso. It felt like it was a caged beast thrashing around in my chest and wanted to be free. 

Nang maalala kong naligo si Fallus sa kalagitnaan ng pagkalma ko sa aking sarili, muli akong umupo.

“Fallus, wala ka na bang sakit?” sigaw ko na paniguradong maririnig niya.

Bakit ba agad itong naligo? Baka mamaya ay bumalik ang sakit niya. Sobrang init pa naman niya kaninang madaling araw. Mabuti nalang at nagising siya kaya hindi ako nahirapang painumin ito ng gamot. Agad din naman siyang nakatulog pagkatapos ko siyang pinainom.

Unaware Feelings (Barkada Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon