Isa-isa kaming nagsilapit sa libingan ni Mamang para ihatid siya sa huling hantungan. Hinagis ko ang puting rosas na gawa sa papel na hawak ko. Katabi ko si Papang, at katabi naman niya si JM. Patuloy ang walang kapagurang pag-iyak ni Papang. Sa simbahan pa lang, grabe na ang pag-iyak niya, at ngayon, nasa sementeryo na kami, umiiyak pa rin siya.
He was trying to remain composed, pero halata ang hirap na pinagdadaanan niya. Panay ang himas niya sa likod namin, as if trying to comfort us, pero sa totoo lang, siya ang higit na nangangailangan ng yakap. Me and JM remained silent. Tapos na akong umiyak. I already cried all my tears out. Hindi ko alam kung may iiyak pa ba ako. It was sad, sobrang sakit. Honestly, I wanted to cry again, pero walang luha ang lumalabas. Habang nakikita ko ang ibang namatayan na umiiyak, ako ay hindi. Manhid na ba ako? O sobrang sakit lang talaga, to the point na hindi ko magawang umiyak.
Si JM naman, tahimik din. Ang hirap basahin kung ano ang iniisip niya. Hindi ko alam kung naiintindihan niya ba talaga ang sitwasyon. Mas gugustuhin ko pa sanang makita siyang umiyak o masaktan kaysa ganito—parang bato lang siyang nakatayo sa harap ng kabaong ni Mamang.
"May God grant peace to the departed soul and comfort to those who remain. In the name of the Father, the Son, and the Holy Spirit. Amen," pagtatapos ng dasal ng pari sabay saboy ng holy water.
Mamang was finally buried deep into the ground. Wala na talaga siya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong hiniling sa mga nakaraang araw na sana panaginip lang ang lahat. Pero bawat paggising ko ay subrang bigat sa dibdib. It wasn't a dream; the heavy and sorrowful feeling never left.
Narinig ko ang yabag ng mga hakbang ni Tita kasama si Ericka na papalapit sa amin. I stepped back a little, trying to give them space. Biglang lumapit si JM at sumandal sa akin. Kaya nagkaroon ng espasyo sa magkabilang side ni Papang for Tita and Ericka to fit in. They hugged Papang, crying with him. As I watched them, I couldn’t help but wonder—nagdadalamhati nga ba talaga sila, o masaya na dahil wala nang ibang babae sa buhay ni Papang bukod kay Tita?
Now, what's going to happen to us?
Ang bilis ng mga pangyayari. A week had passed, and we were still grieving for Mang. But Papang made a sudden decision—ililipat na kami sa bahay ni Tita. Hindi ako pumayag, of course, but what could I do? Wala nang ibang mag-aalaga sa amin kundi si Papang. If only I could stay with my aunts in another place, but I doubt they would take us in. It wasn’t easy at first, pero kailangan naming masanay. We had to get through this.
Hindi nabuo ang pamilyang pinangarap ni Mamang, dahil binuo ito ni Papang sa iba. And we get to be part of it—pero sila lang yung buo, at kami ni JM, hindi.
“Papasok na po ako,” paalam ko isang umaga. Start na ng klase ko, and I was already in Grade 10.
“Hindi ka pa ata kumain, kumain ka muna, hija,” sabi ni Tita Cell, habang naghahain ng pagkain sa hapagkainan. She smiled at me, hopeful, but I just shook my head.
“Hindi na po, pasok na po ako,” I replied curtly, then quickly left.
Hindi ko na alam kung ilang beses akong pumasok sa school nang walang laman ang tiyan. Every day, she offered me food, pero palagi kong tinatanggihan. I couldn’t bring myself to sit and eat with them. Sila lang naman ang pamilya doon—hindi ako kasali.
---
After class, I went home with a throbbing headache. As I entered the house, I overheard Tita’s voice.
“Sabi ng Papang mo, masakit daw ang ulo mo,” she said, her voice tinged with concern.
Bakit pa niya sinabi? What’s the point of telling her?
BINABASA MO ANG
Bestow Your Affections On (Highschool Series #1)
Fiksi RemajaBallpen believes that her feelings for her long-time crush, Jamie Loyd del Reyes, are just admiration. She thinks that a crush is merely idolizing a famous artist or K-pop idol, and that these feelings can fade away, allowing you to find someone new...