Madaling lumipas ang mga araw, at buwan. Totoo nga na kapag pakiramdam mo sobrang saya mo, madali rin lumipas ang oras.Katatapos lang ng first semester. Hindi naging maganda ang resulta ng ilang exams ko and performance during first term, midterm at finals. Pakiramdam ko ngayon ko lang na rerealize kung gaano kahirap sa college.
Ginawa ko naman ang best ko e, madalas nga kaming magkasama ni marcus at nag-aaral sa library. Pero talagang mahina ang utak ko mag memorize at mag identify, kaya siguro hirap din ako sa mga exams. Pero ang individual and team sports naman ay alam kong nag eexcel ako.
Nasa bahay lang ako dahil may one week kaming break. Bukas pa ang bik ko sa uni. Nagsimula na rin kasing magbaba ng grades sa portal ang mga profs at pagkatapos no'n ay puwede na kaming mag enroll para sa second sem.
Makukumpleto na ang grades namin, madami akong dos. Ngayon pa lang nadidismaya na ako.
"Miggy, sige na at magpahinga ka na. Ako na ang bahala dine," sabi sa'kin ni nanay, katapos lang kasi namin kumain.
"Ako na po 'nay." tayo ko, ambang susunod na sa kusina
Nakapameywang naman niya akong hinarap. "Ako na nga't sabi, hindi rin naman ako pagod at madalas sagutin ng boypren mo ang nilalako ko."
Isa pa 'yan, naging consistent din ang pagtulong ni marcus kay nanay. Talagang siya ang bumibili lahat at hinahayaan niya na ipamigay iyon ni nanay sa iba naming kapitbahay dito na medyo kapos din sa buhay.
"Naka jackpot ako no 'nay?" pagbibiro ko
"Aba't oo, kaya ikaw. Huwag mong bibigyan ng sakit sa ulo iyang boypren mo. Mahirap na at matauhan e, iwan ka." napasimangot naman ako sa masamang biro ni nanay
"'Di mangyayari 'yan, patay na patay sa'kin 'yon..." mahina kong bulong, parang narinig ni nanay kaya sumama ang tingin niya sa'kin na siyang tinawanan ko lang.
Madalas ganiyan ang biruan namin, pero noong una talagang umaayaw si nanay na sagutin ni marcus ang paninda niya. Hindi iyon ang habol namin pero mapilit talaga ang boyfriend ko, kaya ayon wala rin kaming nagawa.
Speaking of Marcus. Maganda ang Performance niya. Mas nakilala siya dahil part siya ng council ng department nila. Mataas din ang mga grades niya sa lahat ng subject, expected na iyon. Sobrang nakaka proud nga siya.
Umakyat ako sa kuwarto sa taas para makapagpahinga. Pero biglang tumunog ang phone ko, sunod sunod iyon.
3 messages from kian:
"May grades na sa dalawang sub."
"2.50 parehas, umay. Pero ayos lang pasado naman."
"Nakita mo na iyo?Biglang kumabog ang dibdib ko, tangina daig ko pa talaga bibitayin kapag titingin sa portal e. Grabe yung kaba!
Dali dali akong nagpunta sa portal at t-nype ang email at password ko. Ayan na ayan! nakatakip ang mata ko habang nagpupunta sa grades.
Sobrang kaba ko pero kailangan kong makita.... Nang naopen ko na ay unti unti kong inalis ang harang sa mata ko at gano'n na lang ang bagsak ng balikat ko, kasabay ng tila pagbagsak ng mundo ko.
NG... no grade ang ibig sabihin.
Dalawa???
Teka bakit? Naiiyak akong napabangon dahil hindi ko alam kung paano ako magrereact. B-bagsak? mag-uulit ba ako?
Nanginginig ang kamay ko at hindi ko namalayan na may luha na rin sa mga mata ko. Shit! Ano itong ginawa ko? hindi kami mayaman at ang isiping mag uulit ako at mahuhuli. Pakiramdam ko hindi ko kakayanin.
YOU ARE READING
Be mine, Mr. cutie (Siel Series #1) COMPLETED
RomanceCompleted| Siel Series #1 | Light BL | BxB Ivo Dela Vega has a long time crush for a chinito, popular and very smart Marcus Lim. A happy crush that turns into love. Ivo enjoys looking at Marcus and even stalks his social media accounts, making effor...