ENTRY 3

26 4 1
                                    

AUTHORS NOTE!!!

GUYS BAGO NIYO PO BASAHIN ITONG ENTRY 3 , PLEASE READ FIRST ENTRY 2!!!!... MAY KAUNTING PAGBABAGO PO KASI.... DONT WORRY KAUNTI LANG NAMAN.....

Though its a little bit short, sana magustuhan niyo pa rin.....

THANK YOU FOR READING MY STORY!!! LOVE YOU ALL. MMWWWUUUAAAAHHHH!!


****

" ano bang trip mo?"

Lumipas ang ilang araw dito sa Student Council Office pa rin tumatambay si Nyx. Ewan ko ba sa kanya. Pumapasok lang naman siya dito sa oras ng dapit hapon at nagkakataon pang nagsi-uwi-an na ang lahat ng miyembro.

" bakit masama bang tumambay dito?" Balik tanong niya .

Kailan pa naging sagot ang isang tanong.     -.-

" ha.ha. nagtanong ka pa" sarkastik kong sabi.

Kung nagtataka kayo kung bakit hindi ko siya pinapa-alis, ang sagot diyan ay... Putik!

Paulit-ulit ko siyang pinapaalis, kaso wala eh, pinaglihi ata ito sa itlog ng Ostrich! Ang tigas ng ulo! Maria! Ayaw ko ng magsayang ng laway.

" whatever."

Tahimik kong tinapos ang mga kailangan kong tapusin. Tahimik lang ang paligid.

Tama. Ganito talaga , tahimik lamang siyang nakaupo sa sulok habang nakatingin sa labas ng glass window. Isa rin ito sa dahilan kung bakit hindi ko na siya pinipilit umalis, hindi naman kasi siya nakakagulo.

****

" what the!" Naku naman , nagbrown out pa. Kalaki-laki ng eskwelahan na 'to walang kagene-generator! Tsk!

Wow talaga! What a day! Kalakas-lakas na nga ng ulan, brownout pa!

" ako na. " biglang may umagaw sa mga gamit na inaayos ko.

" oh, your'e still here!"

" ganyan na pala ang modern na pasasalamat ngayon. Ngayon ko lang nalaman"

Pang-asar din 'tong lalaking 'to ah!

Sa wakas natapos ko... namin... ayusin ang mga files, kahit kapa-kapa lang ang peg ...

" Let's go"

Pinihit ko ang seradura... Bigla akong kinabahan... Wait... Pinihit ko ulit... Pihit dito , pihit doon.

Omaygad!

Inuli-ulit ko ang pagpihit.

No! Youv'e gotta be kidding me!

" kahit ulit-ulitin mong pihitin, hindi yan magbubukas" cool na sabi ng nasa likuran ko.

Hindi ko na lamang siya pinansin dahil sa sobrang kaba ko.

Pinilit ko ulit pihitin.

" automatic yan"

" damn you! Subukan mo kayang tumawag ng tulong noh. Hanap-hanap din ng tulong pag may time" I said sarcastically.

" ba't di ka kaya sumigaw , baka meron pa si manong guard"

" soundproof 'tong room. Siguro naman may phone ka, gamitin mo kaya" utos ko.

" naiwan sa kotse." parang wala lang na sabi nito.

Ang galing rin ng lalaking 'to ah! Pacool-cool lang. Na amnesia ba siya at nakalimutan niyang na-stuck lang naman kami sa isang madilim na office!

The Ice Queen's PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon