Sa panahon ngayon, uso na ang mga short term relationships. merong tumatagal lang ng isang buwan, isang linggo, isang araw, at minsan pa nga hindi umaabot ng isang oras. maybe, the main reason is that people by now doesn’t know what is the real meaning of “Commitment”Sa commitment kasi hindi na mawawala ang responsibilities na kung minsan, nakakalimutan natin. At kapag hindi mo na pinahalagahan ang mga responsibilidad mo, nakukuha mong bumitaw. may minsan naman, hanggang bibig lang ang salitang commited wala sa gawa. Ni hindi nga maiparamdam eh. o kung maiparamdam man tanging sa limitadong paraan lang.Ang isang relasyon tatagal kung ang bawat isa ay maghahangad ng Forever. Hindi yung sasabihin mong, ” ba’t ko naman seseryosohin? magbbreak din naman kami niyan!” ba’t kapa papasok sa isang relasyon kung ikaw mismo ayaw ng pangmatagalan? ano to? free taste sa supermarket, na sa una mong pagkakita nito gustong-gusto mong subukan, pero ng nalasahan mo na, aayaw ka na. masyado na kasing ma-explore ang mga tao ngayon, lalo na ang mga kabataan, na ultimo relasyon nakukuha nilang paglaruan. Yung makikita mo sila ngayon na “Forever ILabyohan” tapos bukas makalawa, nag mumurahan na. Diba? ang saklap. anu na naman ang rason jan? Charge to Experience.maraming naghahangad ng lovelife na pang-Forever. Ang isang relasyon hindi magwo-work kung isa lang ang gagalaw. Law of Interaction, where in actions done has always its counterpart. kung gusto niyong tumagal ang pagsasama niyo kayong dalawa mismo ang magtatanim sa mga utak niyo na tatagal kayo. Kung sakali naman na may problemang dumaan. hayaan niyo lang dumaan. lilipas din yan. Huwag kayong magpa-apekto. huwag kayong bibitaw. Sa love, walang imposible, mas lalo na kung sasamahan niyo ng pananalig kay God. bonggang forever ang kahahantungan niyo niyan! #