Untitled One

39 2 1
                                    

"Leila."

Agad kong nilingon ang isang pamilyar na boses. Nakangiti ito sa'kin kaya isang malapad na ngiti ang agad kong iginanti sa kanya. Naglakad siya papalapit sa'kin at umupo sa tabi ko. Inilagay niya ang kanyang gitara sa kandungan niya at nagsimulang mag-strum ng paunti-unti.

"Mag-isa ka na naman. Bakit ba ayaw na ayaw mong nakikihalubilo sa iba?" Napangiwi naman ako sa tanong niya.

"Ilang beses mo ng tinatanong sa'kin 'yan. Ilang libong beses ko na ding ibinigay ang sagot sa'yo."

"Ano bang ginagawa mo dito?"

"Haharanahin ka." Sabi niya sabay kindat pa.

Habang nag-sstrum siya ng kanyang gitara ay ipinikit ko ang mga mata ko. Matapos ang ilang sandali ay sinabayan na niya ito ng kanta. Masaya akong pinakinggan ang kanyang kanta, sadyang nakakahalina ang kanyang boses. Parang kahit na paulit-ulit mong pakinggan ay hindi ka mananawa.

"Hey, 'wag mo naman akong tulugan."

"Hindi naman ako natutulog ah? Pinapakinggan ko kaya ng maigi 'yong kanta mo."

Ngumuso naman siya bago mag-salita. "Sus, hindi daw. Eh konti na lang tutulo na 'yong laway mo at sigurado akong sasabayan mo pa ng hilik!" Halos malaglag ang aking panga dahil doon.

"Ang kapal ng mukha mo Mr. Lance Andrey Hernandez!"

Mabilis pa sa alas-kwatro siyang umalis sa kinauupuan niya, kasabay noon ay ang pagtawa niya na para bang walang humpay. Alam niyang mahahampas ko siya dahil sa kapilyuhan niya. Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at akmang aalis na ng silid.

Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko siya nilingon. Ha! Maghabol ka sa tambol-mayon!

Nang makalabas ako ng school ay akala ko wala na siya. Nakaramdam ako ng bahagyang pagkalungkot, akala ko pa naman matiyaga siya. Hindi pala. Boys.

"Kung sa inaakala mo ay tatantanan kita, nagkakamali ka." Halos mapatalon ang puso ko nang marinig kung sino ang nagsasalita. Lumingon ako sa gilid ko at nakita kong nakasakay siya sa motor niya. "Para kang nakakita ng gwapo ah— pero sabagay hindi naman mapagkakaila." Ika niya at hinihimas pa ang kanyang baba.

Antipatiko ah, saan kaya niya hinuhugot ang self confidence niya? Inirapan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad. Narinig ko namang pinaandar niya ang kanyang motor ngunit mabagal lang ang takbo nito, sinasabayan niya ang lakad ko.

"Bakit ba hindi ka pa umuwi sa inyo?" Tanong ko pero nanatili pa din akong naglalakad.

"Ihahatid pa kita eh."

"Huwag na, masasayang lang gas mo." Tumawa siya ng parang wala ng bukas. Bakit ba palaging masaya ang lalaking 'to? Ganoon ba kakulay ang buhay niya?

"Leila, you still don't get it?" Umiling naman ako. "Handa akong gumastos ng malaki sa gas para lang maihatid ka ng ligtas sa inyo."

"Pick-up line ba 'yan Lance? Kikiligin na ba ko?"

Muli siyang tumawa, kita niyo na? Sira na ang ulo ng isang 'to. Palaging ganito ang eksena namin sa araw-araw. Matagal-tagal na rin simula nang ligawan niya ko, mga apat na taon na mula ngayon. Simula pa noong highschool palang kami ay sinimulan na niya. Ang sabi ko sa kanya noon ay masyado pa kaming bata kaya antayin niya na umabot kami sa kolehiyo at heto na nga kami ngayon.

Siya lang ang matiyagang nakakatagal sa ugali ko dahil mabilis akong magpalit ng mood. Bilib din naman ako sa lalaking 'to.

"Huwag mo ng subukang kiligin kasi kapag sinabi mo 'yon mamatay ako kaagad, baka maibunggo ko 'tong motor."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Untitled & Blank SheetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon