Ara's POV
"Sige, una na'ko ah, pst Zion bantayan mo yang si Kristell. Pag may naramdaman yang kaunting sakit lang, bibigwasan kita ng hard!" pang-aasar ko kay Zion, sabay ngisi.
"Grabe ka naman, Zahaira!" sagot ni Zion, natatawa pero halata ang kaba, natawa din tuloy ako "Siyempre aalagaan ko siya, relax ka lang."
Naglakad ako palabas, pero bago pa ako makalabas ng pinto, sumulyap pa ako kay Kristell. "Ingat ka, ha. Text mo ako pag may kailangan ka."
Ngumiti siya ng mahina. "Thanks, Haira. Ingat ka din."
Tumango ako at tuluyan nang umalis.
Paglabas ko ng kwarto ni Kristell, napabuntong-hininga ako. Naging mas magaan ang pakiramdam ko knowing she's getting better, pero hindi ko maiwasan ang mga iniisip ko tungkol sa sitwasyon namin sa bahay. Ang dami kong gustong ayusin, pero hindi ko alam kung paano magsisimula.
Nang makarating ako sa parking lot, nakita ko na agad ang driver ko. Pumasok ako sa kotse at nagsalita.
"Sa mansion tayo," utos ko, at tumango naman siya bilang pagsunod. Habang binabaybay namin ang daan, di ko mapigilan ang sarili kong mag-isip kung may chance pa bang maayos ang lahat sa pamilya namin.
Pero kahit gaano ko pa gustong bumalik sa dati, alam ko na hindi na magiging katulad noon ang lahat.
"Uhm, ano pong gagawin niyo dito sa Mansion?" Tanong niya ng nasa tapat na kami ng mansion nila Dad.
"May bibisitahin lang ako." Sagot ko
Pagpasok ko sa mansion bumungad agad saakin si Melissa nag-lilinis siya sa living room. Nang maramdaman niya ang presensya ko ay tumigil siya sa pagwawalis at tumingin saakin, nanlaki ang mata niya
"Z-Zahaira?" Hindi makapaniwalang tanong niya, ngumiti ako at lumapit sakanya
"Ako nga."
"Naku! Zahaira ikaw nga! diyos ko! bakit parang tumaba ka? kamusta ka na? saan ka ba nakatira ha? naku bata ka! tumaba yung pisngi mo!"
Ngumiti ako sa sunod-sunod na tanong ni Melissa. Naramdaman ko agad ang init ng pagmamalasakit niya, parang walang nagbago sa pagiging maalaga niya.
"Grabe ka naman, hindi ako tumaba!" tumawa ako habang hawak ang pisngi ko. "Maayos naman ako, sa ngayon nakatira ako sa real family ko. Pero syempre, namiss ko kayo dito."
"Miss ka na rin namin, hija! Lalo na ako, araw-araw ko hinihintay na bumalik ka dito," sabi niya sabay tapik sa balikat ko. "Kumain ka ba? Gusto mo ba ng merienda? Alam ko favorite mo pa rin ang ginataang bilo-bilo."
Natawa ako, "Oo naman, di nagbabago ang favorite ko! Tara, kain tayo!"
"Oh, ito umupo ka," sabi ni Melissa habang tinuturo ang isang upuan malapit sa lamesa. Umupo ako at hinintay siya habang abala siya sa paghahanda ng merienda.
Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan siya. Parang bumalik lahat ng alaala ng kabataan ko dito sa mansion, kasama si Melissa na palaging nandiyan para alagaan ako.
"Grabe, ang tagal ko nang hindi nakatikim ng ginataang bilo-bilo," sabi ko habang hinihintay. "Sobrang namiss ko 'to."
"Heto na, mainit-init pa!" excited na sabi ni Melissa habang inilalapag ang mangkok sa harap ko. "Kain na, hija."
"Salamat, Melissa," sabi ko bago sumubo. "Masarap pa rin talaga. Wala pa rin nagbago."
YOU ARE READING
Stay With Me (COMPLETED)
General FictionSa isang engrandeng party, chill ka lang dapat, enjoying the vibe and everything. Pero bigla na lang may guy at diretsahan na sinabi sayo na... "I want you to be my fake girlfriend." Papayag ka ba? Or Tatanggi na lang?