Mortemis
---
"MAGBIGAY PUGAY SA ATING MGA KAMAHALAN!" sigaw ng taga anunsyo ng palasyo mula sa kaharian ng Mortemis.
Sabay sabay na pumasok ang hari at reyna na matikas ang tindig at mataas ang tingin. Yumuko lahat ng mga taga Mortemis at nagbigay galang sa hari at reyna na papunta na ngayon sa kanilang mga trono.
Habang naglalakad ang hari at reyna ay may biglang bumagsak mula sa itaas ng palasyo na isang babae.
Nagulat ang lahat ng makita nila itong nasa kakaibang anyo. Hindi mawari kung ano itong klaseng babae.
May sungay siya na malaki na parang isang demonyo pero may napakalaking kulay abo siya na pakpak na parang isang anghel. Ang kanyang mga mata ay parang isang demonyo dahil napapalibutan ito ng itim at pula. May mga kaliskis din siya na katulad ng mga isda at balat ng isang ahas. Napakahaba napakatalas din ng kanyang mga kuko. Ang kanyang mga pangil ay walang kasing talas at may siyam na buntot siya na ka kulay ng kanyang pakpak. Ang kanyang buhok na umabot hanggang paanan niya ay kulay abo na may halong puti.
Nababalot ng kaitiman ang kanyang katauhan.
Nang wala'y kung ano- ano'y bigla itong nagpalit ng anyo. Tahimik ang lahat sa kanyang pagpapalit. Walang reaksyon na nanonood ang hari at reyna sa isang babae na bumagsak mula sa itaas.
Nawala ang kanyang pakpak, buntot, at sungay. Ang kanyang mga balat na parang isda at ahas ay unti unting nawawala. Ang kanyang mga kuko ay nawawala ang pagkatalas at ang kanyang mga pangil ay unti unti na rin nawala. Biglang dumilat ang kanyang mga mata at ang itim at pulang mata nito ay naging kulay abo at puti na parang sa isang normal na mata. Ang nakakatakot na nilalang ay naging isang magandang dilag.
Ngumiti ang hari at reyna ng makita nila kung sino ang nasa harapan nila.
"Ang aking mahal na anak.." bulas ng reyna at niyakap ang babaeng nasa harapan nila.
Patuloy na naglakad ang hari at reyna sa kanilang trono at naiwan naman ang babae na kanilang anak.
Nang makaupo na ang hari at reyna ay naupo na rin ang mga taga Mortemis. Naiwang nakatayo ang anak ng hari at reyna mula sa gitna ng palasyo. Walang reaksyon ang kanyang mukha at nakatingin lamang ito sa may pintuan ng palasyo. Nang wala'y kung ano ano biglang pumasok ang apat pa na babae na kasing edad lang ng anak ng hari at reyna.
Yumuko ang lahat dahil ang apat ay mga prinsesa.
Ang nasa unahan ay ang prinsesa mula sa kaharian ng Pyros, ang kaharian ng apoy.
Ang nasa katabi naman nito ay ang prinsesa mula sa kaharia ng Hydros, ang kaharian ng tubig.
Kasunod naman nito ay ang prinsesa mula sa kaharian ng Aetheria, ang kaharian ng hangin.
At ang pang huli ay ang prinsesa mula sa kaharian ng Geos, ang kaharian ng kalupaan.
Tumabi ang apat na mga prinsesa sa prinsesa ng Mortemis. Nakapagitna ito sa kanila.
"Ano ang inyong nais, mga prinsesa?" seryosong sambit ng hari sa limang babae na nasa harapan nila.
"Ama, ngayon ang alis namin mula sa Mortemis." sambit ng unang babaeng dumating.
"Aalis? Anong aalis?" takang tanong ng reyna at tinignan ang hari na wala man lang reaksyon.
"Sila ang nakatakdang tatapos sa kasamaan ni Artheros." biglang sabi ng isang boses na hindi alam kung kanino.
"Sino ka?!" sabi ng hari at tumawa naman ang boses na hindi alam kung kanino.
"Ako si Aella." sagot ng boses at nagulat ang lahat ng may itim na usok ang biglang kumalat sa gitna ng palasyo.
Natakot ang iba at ang iba naman ay namangha.
Lumabas ang babaeng nasa 30 anyos ang mukha. Malaki ito kumpara sa mga prinsesa na nasa likuran niya. Nakasuot ito ng itim na damit at natatakpan ng kanyang mukha ang suot niyang mahabang kapa na kulay itim. Tanging bibig lang niya ang kanyang nakikita at ang kanyang mga kamay na may mahahaba at matutulis na kuko.
"Aella.." ang tanging nasabi ng hari.
Ngumisi lamang ang mangkukulam na nasa harapan nila.
"Nagdudulot na ng kasamaan si Artheros. Alam natin kung gaano siya kalakas. Hindi tayo pwedeng kumalaban sa kanya dahil kailangan natin ang limang singsing na magsisilbing lakas at gabay upang mapuksa ang kasamaan ni Artheros. At ang napili ng mga singsing ay ang limang prinsesa. Kabilang na doon ang inyong anak, mahal na hari at reyna." saad ni Aella na ikinagulat ng lahat.
"Ngayon ang nakatakdang pag - alis nila sa mundo ng mga Mortemis at nakatakda silang pupunta sa mundo ng mga mortal. Sa mundo ng mga tao." sabi ni Aella na ikinatahimik ng lahat.
"Mapapahamak ang aking anak sa mundo ng mga mortal!" galit na sigaw ng reyna ngunit hindi man lang natinag si Aella.
"Hindi sila pipiliin ng mga singsing kung hindi nila kakayanin ang misyon, Nyxara" madiin na sagot ni Aella sa reyna na nag ngangalang Nyxara.
"Magtatagal ba sila sa mundo ng mga mortal, Aella?" tanong ng hari.
"Hindi ko maisasagot ang iyong katanungan, Mortifer. Dahil hindi natin alam kung kailan magsisimula ang kanilang pagsubok sa kanilang paghahanap ng limang singsing." sagot ni Aella na ikinatahimik ng lahat.
"Ngayon ang alis nila. Sila ay mananatiling mga Mortem. Ngunit magpapanggap sila bilang mga estudyante mula sa eskwelahan ng mga mortal. Hindi mawawala ang kanilang mga kapangyarihan. Ngunit kailangan nila itong itago upang hindi ito malaman ng mga mortal. Kapag nakuha na ang singsing ay doon na lalabas ang lagusan pabalik dito sa Mortemis." saad ni Aella.
"Ngunit, sila lamang bang lima? Wala silang kaalaman tungkol sa mundo ng mga tao!" sagot ni Haring Mortifer.
"Ama, sa loob ng 2 taon na pagsasanay namin ay sinanay at tinuruan din kami kung paano mamuhay ang mga mortal kaya wag ho kayong mag-alala dahil kaya ho namin ang aming mga sarili. Ipinapangako ho namin na kami ay babalik na dala na ang mga singsing." walang emosyon ngunit makahulugang sagot ng unang babaeng prinsesa.
Napabuntong hininga nalang ang hari at reyna tapos ay pumayag na rin sila sa nais.
Dumating ang apat pang hari at reyna na mula sa kaharian ng Pyros, Hydros, Aetheria, at Geos at nagbigay naman ng galang ang mga nilalang na nandodoon. Niyakap nila ang kanilang mga anak at binigyan ng halik sa ulo.
"Mag - iingat kayo. Alam kong kaya ninyo itong misyon kaya kayo ang itinakda." nakangiting saad ni Haring Mortifer.
Yumuko naman ang limang prinsesa bilang pag galang.
Iwinagayway ni Aella ang kanyang malaking tungkod at lumabas doon ang isang malaking lagusan.
"Halina at pumasok na kayong lima dito sa lagusan. Iluluwa kayo ng lagusan sa inyong magiging tahanan. Makakasama niyo ang isang tagabantay na nagngangalang Valkyrie. Katulad din natin siyang isang mortem ngunit isa siyang taga bantay. Siya ang magiging tagabantay niyo sa oras na naka apak na kayo sa mundo ng mga mortal. Alam kong kakayanin niyo ang misyon na ito. Dahil hindi kayo pipiliin ng singsing kung hindi." seryosong saad ni Aella.
Sabay sabay na pumasok ang limang prinsesa at sa isang iglap ay nawala na parang bula ang lagusan ganoon din ang limang prinsesa.
Frontíste ton eaftó sas kai kalí týchi...
_______________________________________________________