---
“Siya ba 'yun?”
“Yung girlfriend ni Jal?”
“Tingin ko siya na nga. Nakita ko sila kahapon sa plaza, magkasama, tapos parang ang sweet nila.”
“Edi totoo nga 'yung usap-usapang may girlfriend na si Jal.”
“Pero akala ko ba si Ericka ang nililigawan niya?”
“Malay natin, baka inakit ni girl.”
Ako ba ang pinag-uusapan nila? Agad akong dumiretso sa classroom ni Jal matapos kong ipasa 'yung research, pero ito ang sumalubong sa akin. Hindi ko alam kung paano kumalat ang balitang may girlfriend na raw si Jal—at ako raw 'yun.
I tried to ignore them, but it was gnawing at my nerves. Malaking pagkakamali ang pumunta ako rito.
Umalis ako sa pagkakasandal sa railing at binalak nang umalis nang masipat ko si Jal na tumatakbo palapit kasama si Ericka.
“Tingnan mo oh, si Jal, kasama si Ericka.”
“Nalilito na ako. Sino ba talagang girlfriend niya?”
“Baka dalawa sila.”
“OMG.”
Mariin kong kinagat ang loob ng pisngi sa mga narinig kong chismis. Wala ba silang ibang magawa? Bored ba sila? Get a life.
“Kanina ka pa ba dito?” tanong ni Jal nang makalapit siya.
Pero ang mga mata ko ay natuon kay Ericka, na nakatingin din sa akin. Nakangiti siya, pero ramdam kong hindi siya natutuwa.
I bowed my head, choosing not to look at anyone.
“O-opo, kanina pa,” nauutal kong sagot.
“Kumusta ‘yung exam mo?” he asked.
Lumunok ako. “Hindi maganda eh, bagsak ako pero papasa naman,” honest kong sagot kahit sobrang nakakahiya dahil maraming nakikinig.
“Hmp…” Hindi nakawala sa akin ang mahinang pagtawa ni Ericka.
Saka lang ako napaangat ng tingin nang maramdaman ko ang pagpatong ni Jal ng kamay niya sa ulo ko. “You did your best. Hindi pa 'yun enough, pero marami pang pagkakataon para bumawi.” He smiled, and I felt warm, kaya hindi ko napigilang ngumiti pabalik.
“Siya nga pala, napasa ko na 'yung research. Wala na akong problema sa grade.”
“Really?” Nakangiti niyang tanong.
Maraming beses akong tumango. “Thank you so much!”
“Thank you lang?”
“Ha?”
“Libre mo naman ako ng balot. Ang tagal ko nang hindi nakakakain nun.”
“P-pero…” Pasimple kong sinulyapan si Ericka, pero agad ding umiwas ng tingin nang makitang nanunuklaw ang mga mata nito.
“Diba sabi nila the best way to say thanks is with food? Plus, makakasama mo pa ako. It’s a win-win.”
“Sige na nga.”
“Nice, bukas ha, sa usual place.”
“Oo na! Sige, aalis na ako.”
Nagmadali akong umalis dahil hindi ko na kayang tagalan ang mga tingin ni Ericka. Kapag sa bahay, kaya ko siyang tapangan, pero dito sa school? Alam kong wala akong maipagmamalaki sa kanya, lalo na’t nililigawan siya ni Jal. Is this really okay?
“Ballpen!” Napahinto ako nang may familiar na boses na tumawag sakin. Kahit hindi ako lumingon, alam ko na kung sino 'yun.
I stood straighter when Ericka appeared in front of me.
BINABASA MO ANG
Bestow Your Affections On (Highschool Series #1)
Novela JuvenilBallpen believes that her feelings for her long-time crush, Jamie Loyd del Reyes, are just admiration. She thinks that a crush is merely idolizing a famous artist or K-pop idol, and that these feelings can fade away, allowing you to find someone new...