Chapter 24: Naughty

124 4 2
                                    

Author’s Note:

Try ko lang gumawa ng update and hindi ko alam kung hanggang saan aabot hehehe…Nilulubos ko na kasi by next week baka tawagan na’ko for OJT huhu..haist saklap lang walang bakasyon grrr..

Favor naman pls?? Comment naman kayo..Ahm sabihin niyo lang if okay naman yung story ko,panget ba,hindi ba nakakatuwa,nakakasira ba ng araw or what so ever! Basta ganun..geh na po..Salamat! Nakakatuwa rin naman po kasi pag nakakabasa ng mga comment... J

_____________@@@____________@@______________

Yung dibdib ko kumakaba na naman.Sa tingin ko nga pagkatapos nitong kontrata ko kay Zach ei marami namang sakit ang mabuo sa sistema ko! Sakit sa puso dahil kay lola,sakit sa lalamunan kakaaway namin,sakit sa mata dahil lagi ko siya pinandidilatan hai naku..

“What?Bingi na rin ba mga tao rito?Should I call a doctor?”sabi nung lola ni Zach.

“I’m a doctor remember?”sagot naman ni Zach habang isa-isang nililigpit yung mga sinabog niya kanina.

Pansin ko lang hindi man lang namumupo ‘tong ungas na’to at saka kala mo ka age lang niya kausap niya eh.

“Aba’t namimilosopo ka pang bata ka.”

“Ei Grandma hinahanap lang po kasi ni Zach yung susi ng kwarto sa ibaba kaso lang po natangay pala nung katulong namin.”paliwanag ko naman.

“Nasa villa ko ang maids niyo so saan ako magpapahinga?I’m deadly tired.”

“You can use this room,but as you can see..”sabi ni Zach sabay turo sa mga nagkalat na damit at kung anu-ano pa.

“How about you and Anya?Saan kayo matutulog?”

“Oh that,Maybe in maids room?”cool niyang sabi

Hmmm…pwede na rin?Atleast dun separate ang kama,double deck ata yung andun.

“Hindi komportableng matulog dun,sa laki mong tao at yang asawa mo sa tingin mo magkakasya kayo?.”

Nakita kong parang nag-isip naman ‘tong si Zach.Siguro nga tama yung sabi ni lola na mahihirapan siyang matulog dun pero kung ako ang tatanungin ayos lang naman sakin ^.^

“I think Hotel is fine.Bababa muna ko sandali.”

“Wait Zach,ano gagawin mo sa baba?”

“Tatawag sa hotel para magpa reserve.”

Malapit na sana siya sa hagdan ng bigla siyang tawagin ni lola.

“Bakit kailangan niyo pang mag check-in gastos lang yan.Pwede naman tayong sama-sama rito,malaki naman ang kwarto besides its your room.”

Pagkatapos lumabas siya ng kwarto at narinig kong sumigaw.May tinawag siyang mga pangalan siguro yung katulong niya at driver.

“Bakit po Senyora.May iuutos po ba kayo sa amin.?”

“Oo,umakyat kayo sa itaas at linisin ang kwarto.I want it to be clean as fast as you can.”

Ipapalinis pala niya ‘tong kwarto.Natuwa naman ako dun hehe atleast mababawasan na yung gagawin namin.

“Halika na sa baba,bahala na sila dyan sa mga kalat.”nauna ng lumabas si Zach pero pinigilan ko siya.

“Hoy Zach paano tayo matutulog diyan?Hindi naman ako pwedeng pumunta sa extension room.”

My Proxy Bride [ On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon