Chapter 22
Hmmm...?
Nagtatakang tumingin ako kay Christian.
"Baby, anong gagawin natin dito?"
Ngumiti lang siya sa akin at tinulungan akong magtanggal ng seatbelt. Humalik muna siya sa pisngi ko bago siya bumaba ng sasakyan.
"Stay right there."
Dali-dali itong umibis para ipagbukas ako ng pinto. Natawa ako. Napaka-gentleman naman ng babe ko.
Inilahad niya ang kanyang palad at inalalayan akong bumaba. Wala akong ideya kung anong pakulo niya.
"Anong meron?" Tanong ko ulit. Sobrang curious na talaga ako.
Ngumiti lang uli siya sa akin at iginiya ako papasok ng gate. Napailing na lang ako dahil alam kong wala akong mapipiga sa kanya. Pinahinto niya ako ng tumapat na kami sa main door.
Hinawakan ko ang kamay niya at naramdaman kong nanlalamig iyon. Bahagya ring balisa ang ekspresiyon ng mukha niya.
"Baby, bakit?"
Alam kong kinakabahan ito dahil binasa na naman nito ang mga labi.
Bakit naman siya kakabahan? Ano bang meron sa loob?
Huminga muna ito ng malalim saka binuksan ang pinto.
Pagkapasok namin ay agad kong iginala ang paningin ko. Wala naman akong nakitang kakaiba. Tanging ilaw lang sa maluwang na living room ang nakabukas. Ganun pa rin naman ang itsura nito nung una ko itong makita. Wala namang pagbabago. Tumingin ako sa kanya para tanungin ulit siya pero nagulat ako na lang ako ng bigla nitong iniluhod ang isang tuhod at hindi inalintana ang lakas ng impact niyon. Tila gusto kong ngumiwi dahil parang ako ang nasaktan sa ginawa niya.
Biglang dinalaw ng mga daga ang dibdib ko. Tama ba ang iniisip kong gagawin niya? Ayokong mag-assume at baka ma-miss conception lang ako.
Hinawakan ng nanlalamig niyang mga kamay ang dalawa kong kamay. Nanginginig ang mga iyon kaya hinawakan ko ito ng mahigpit para mag-steady.
Tumikhim muna siya bago nag-salita. "B-Baby...uhm...I...I...ah...oh fvck! How do I say it?"
Natawa ako. Parang nalimutan yata niya ang kanyang prepared speech.
"What?" Natatawang tanong ko.
"Shhh...let me do the talking, ok?" Natatawa pa ring tumango ako. Tumikhim uli ito bago nagpatuloy.
"Sabrina....baby....you have no idea how happy I am ng dumating ka sa buhay ko. Di ba sabi ko sa'yo gusto ko parati kitang kasama kaya b-in-ook kita ng dalawang linggo. Simula't sapul na nakilala kita alam kong ikaw na ang babae para sa akin. Minahal na kita nung una pa lang kitang makita. Minahal na kita nung una kong masilayan ang ngiti mo. Pero alam mo, mas minahal kita nung iparamdam mo sa akin ang pagmamahal na walang hinihinging kapalit."
Unti-unting nangilid ang mga luha ko. Kahit ini-expect ko na 'to nung lumuhod siya, iba pa rin pala pag sa mismong bibig niya nanggagaling ang mga naririnig ko.
"Sabrina, hindi ko na kayang mawalay pa sa'yo kahit ilang minuto. Ayoko ng magising na wala ka sa tabi ko. Gusto kong simula sa araw na ito kasama na kita hanggang sa pagtanda, sabay na puputi ang mga buhok natin, sabay na kukulubot ang mga balat at sabay nating papatunayan sa mundo na may forever. Dahil kahit mamatay ako, hindi mamamatay ang pag-ibig ko sa'yo."
Kinagat ko ang ibabang labi ko at tuluyan ng pumatak ang mga luha ko. Tagos sa puso ko ang bawat salitang namumutawi mula sa kanya. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko mahanap ang boses ko.
BINABASA MO ANG
The Geek's Whore [Completed]
General Fiction"A man is lucky if he is the first love of a woman. A woman is lucky if she is the last love of a man" - Charles Dickens Pero iba ang sitwasyon nila. He was lucky for he was her last love and she was luckier for she was his first love. Si Sabrina, i...