CHAPTER 4: Underground training

7 8 0
                                    

Mag iingat po ang lahat sa paparating na bagyo!

Here's the next chapter. Enjoy Reading❤️

.
.

"SABINA'S POINT OF VIEW"

Alas tres palang ng madaling araw ay pinapunta ko na si Casper dito sa bahay upang makapagsimula na sa pag e-ensayo. Its the first day of training. Nauubusan na kami ng oras. Dalawang araw nalang sisimulan na ang patimpalak o paligsahan sa paggamit ng mahika. Kung hindi pa ako kikilos ngayon ay maaaring hindi makontrol ng maayos ni Casper ang Mahika niyan.

"Sabina! Akala ko ba ay mag eensayo tayo? Ano't nariyan ka pa at nagkakape? Zin naman eh naka pambahay ka pa." Naka nguso na wika ni Casper pagkakita nito sa'kin. Tsk cute.

^_^

"Tayo na sa loob ng bahay!" Hindi ko ito pinansin. nauna na akong naglakad papasok bitbit ang baso na naglalaman ng kape. Nasa Garden kase ako kanina naghihintay.

"Huwag mong sabihin sakin na diyan tayo mag eensayo? Hindi naman sa pag mamaliit ah, pero maliit lamang kase talaga ang bahay mo." Naka busangot na wika pa nito.

Aba ang gago! Hindi daw sa pag mamaliit pero minaliit na nga, tsk!

Anyway, may secret base or underground base kase itong bahay ko. Kaya lang naman ako nag pa-practice sa gubat para maging makatotohanan ang ensayo ko dahil madaming mababangis na nilalang ang nandoon pero kung gugustuhin ko lang lahat naman magagawa ko in terms sa pag eensayo kahit dito lang sa loob ng bahay ko.

Kaya ko nga din lumikha ng isang artificial na kagubatan. Gawa ng kapangyarihan of course.

Ang underground basement ko ay kumpleto sa kagamitan, mga ibat ibang uri ng armas, santada, patalim, espada, danger at marami pang iba. Maging ang panlason ay mayron din dito o kahit pa mga kasuotan pandigma man, formal o pang karaniwan.

"Teka! Teka! Teka-Zin anong gagawin natin sa masikip na aklatan na ito? Hindi nga kasya ang dalawang tao dito. Tyaka huwag mong sabihin sakin na maghapon tayong mag babasa? Alam kong book worms ka. Pero Zin ako hindi huhu." Aba gago din ang isang to.

Pakkkkk!

"Aray ano ba! Bakit ka namamatok diyan!" Napapakamot sa batok na wika nito. Napalakas ang pag hampas ko gago kase. Para magising na din, halatang antok pa e.

"Husto ka na sa pagtatanong at pag reklamo. Sumunod ka nalang. Tsk!" Dumiretso ako sa table tyaka ko hinila ang lamesa. pinindot ko ang pulang button na nasa ilalim mismo ng lamesa then boom! nagkaroon ng daan pababa ang sahig na kinalalagyan ng lamesa kanina.

"Wooohh ohh! may ganyang klase ng lugar ka pala sa maliit mong aklatan, I didn't expect this!" Namamangha na wika pa nito. I look at him at sinenyasan na sumunod ito.

Tatlong hakbang na hagdan pababa bago ang asul na pintuhan. bago tuluyang makababa ay pinindot ko muna ang dilaw na pindutan sa side ng pader. Nakatago ito sa hamba ng hagdan kaya hindi halata. bigla nalang nagsara ang dingding na pinasukan namin. Nagmistula itong kisame.

Naglakad ako pababa. Nang nasa tapat na ako ng pintuhan ay nag cast ako ng spell "Aperi Ostium, Domino Meo, Aperio!" Na ang ibig sabihin ay "open the door to the one who truly owns you" Lumiwanag ang pinto at nagkaroon ng lagusan. Pumasok kami. Pagpasok ay ang malapad na hagdan sa gitna ang bubungad sayo. Sa paligid ay napaka daming pinto na iba't iba ang kulay.

Naglakad ako papunta sa hagdan. Nakasunod lang si Casper habang namamangha. Hindi na ako magtataka sa ganong reaksyon niya sapagkat maganda talaga ang pagkaka gawa nito. Makaluma man ngunit moderno. Weird ba hehe sige explain ko. (Makalumang materyales ang ginamit sa pag gawa. ngunit moderno ang desenyo nito. Thats how magic works.) may kataasan din itong hagdan pero Hindi naman ganon ka taas. sobrang linis din nito.

Pag tungtong namin sa pinaka taas ay may dalawang hagdan na naman in different ways. sa kaliwa at sa kanan. Kapag dumiretso ka. ang nag iisang pinto ang mararating mo. Hindi ito normal na pinto. Kapag binuksan mo ang pinto sa may kaliwa ay mapupunta ka sa Elemental Forge kapag naman sa kanan ay mapupunta ka sa Meditation Chamber.

Dumiretso ako sa Kanan which is sa Meditation Chamber

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Dumiretso ako sa Kanan which is sa Meditation Chamber. Pagbukas ko ng pinto ay sariwang hangin ang sumabong sa'kin. Maglalakad na sana ako ng~

AAAAAHHHHHHHHHHHHHHH

...

Majika (The Long Lost Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon