CHAPTER 5: Meditation Chamber

7 6 0
                                    

↑↑↑Ji Chang-wook

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

↑↑↑
Ji Chang-wook

As

Casper Zylan Axton

Power, attributes and sub-elements
ICE HOLDER
DARK MAHIKA
Quick Reflexes
Mind Reader
Spell Casting
Shadow Controller
Healing
...

"CASPER POINT OF VIEW"

AAAAAHHHHHHHHHHH!!!

Bigla akong nawalan ng balanse nang makita ko ang silid na pinasukan namin. Napa pikit ako sa sobrang kaba. Babalik kase sana ako sa pinto na pinasukan namin ngunit wala na ito doon. muntik na akong malaglag. Ang lugar na ito ay napapalibutan ng mga ulap at iilang mga puno at ang aking inaapakan ay ulap din.

Patay na ba ako?

AAAAHHHHHHHHHHH!!

Sumigaw akong muli ng mapag tanto ko na totoo lahat ng nakikita ko.

"SABINA!" sigaw ko, gumaralgal pa ang boses ko dahil sa labis na kaba. Paano kung mawalan ulit ako ng balanse at tuluyan na akong malaglag sa ibaba. hindi ko nga makita ang ibabang parte nito. Mabuti nalang nakikisama ang ulap at nagagawa ko itong tapakan.

"Ano'ng nangyayari dito? Nasaan na tayo? Anong klaseng lugar ba ito?." Sunod sunod na tanong ko. Parang kanina lamang kase ay nasa tapat lamang ako ng pinto ngayon ay naka tuntong nako sa ulap.

Naririnig ko ang kanyang boses sa likuran ko, "Huwag kang kabahan. Ipanatag mo ang iyong sarili, Casper!" Paano niya nagagawang sabihin iyon. Lumilipad kami Tangina!

"Halika lumapit ka sa akin." Mainahon na wika nito. "Huwag kang mag alala hindi ka mahuhulog. Isipin mo na nasa lupa ka at lupa yang tinatapakan mo." Dagdag pa nito. sinunod ko ang sinabi niya. Unti-unting nawala ang kaba at takot ko.

Minulat ko ang aking mga mata. kinalma ko ang aking sarili. Inisip ko na lupa ang tinatapakan ko. Nagawa kong igalaw ang mga binti ko. Hinti nabutas ang ulap hindi ako nalaglag. Tama si Sabina para lang lupa ang tinatapakan ko. Malambot lamang ito kaysa sa lupa. Humakbang ako papalapit kay sabina at nagawa ko naman ito ng maayos.

"Tumingin ka sa paligid mo." wika nito. Kagaya ng sinabi ni sabina at tumingin ako sa paligid ko at "Wow Ang ganda. Napaka ganda naman ng lugar na ito." Nakakamangha, hindi ko masyadong nakita kanina dahil napa pikit agad ako. Ngayon masasabi ko na napaka ganda ng lugar na ito. Parang isang Paraiso na tanging ulap at puno lang ang makikita mo. Nag liliwanag din ang mga puno na dumagdag sa ganda ng paligid.

 Nag liliwanag din ang mga puno na dumagdag sa ganda ng paligid

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Huwag ka munang masyadong mamangha. Illusion lamang iyan. Dito natin gagawin ang unang buwan ng pag eensayo mo. Tara sumunod ka." Naglakad na ito kayat sumunod nalang ako. pero teka tama ba ang narinig ko?

"Teka! Teka lang- anong isang buwan na sinasabi mo diyan? Tatlong araw nalang at sisimulan na ang patimpalak sa Centro. Hindi tayo pwedeng magtagal dito!" Sinasabi ko na nga ba. hindi namin magagawa iyon sa loob lamang ng dalawang araw.

"katulad ng sinabi ko. Ang meditation chamber ay isang illusion lamang. Ang isang araw sa labas ay katumbas ng isang buwan dito sa loob. Sapat na ang dalawang buwan upang makontrol mo ng maayos lahat ng mahika na meron ka. Maging ang mga attributes at sub elements mo." Seryoso ang tinig nito.

Natahimik ako sa sinabi ni Sabina. Hindi ko akalain na ang isang araw sa labas ay katumbas ng isang buwan dito sa loob ng meditation chamber. Mukang dito na magsisimula ang totoong ensayo.

Dalawang buwan? Sapat na ang panahon na iyon upang makontrol ko ng maayos ang mahika ko.

.
.
.
Thankyou for reading!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Majika (The Long Lost Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon