Chapter 34

90 12 3
                                    

When we went back home, sumalubong sa amin si Easton at agad na nagtanong kung ano yung gender ng baby. Siya pa yung mas excited kaysa sa akin. Yung kapatid naman niya ay pagkatapos akong yakapin sa tuwa kanina ay balik cool ulit. Pero hindi na nabura yung tuwa sa mukha niya nang malaman na lalaki ang anak niya.

And I was also happy that it's a boy. I wasn't disappointed for not getting a girl because this was a gift to me. The other men also received that news from Easton because he shouted it in the whole mansion kaya narinig ng iba. Siniko at inakbayan at ginulo ang buhok ni Leighton ng tatlo pang mga lalaki nang malaman nila yun.

Lihim lang akong napatawa sa kanila kasi para silang mga bata. Those guys were like children trapped inside of an adult body.

Naglakad na ako paalis sa harap nila kasi ginugulo nila si Leighton at para din makapagusap sila. Marahan ang lakad ko papunta sa may hagdan pabalik na sa kwarto ko. Kailangan kong magdahandahan para hindi madulas.

"Going up already?"

Napalingon ako kay Leighton. Napaawang ang labi ko pagkakita ko sa kanya na sinusuklay ang magulo niyang buhok gamit ang kanyang mga daliri. Mukhang nakataas agad siya mula sa mga barako na yun.

I pinched my thigh to wake myself up from salivating him. I blinked and nodded my head.

"Oo... okay lang naman na ako lang ang aakyat papunta sa kwarto ko." sabi ko.

He shook his head. "No. I'm not letting you go up alone. Ihatid na kita hanggang sa itaas."

"Ayos lang naman."

"No it's not." Pagbali niya sa sagot ko.

Wala na akong nagawa nang hawakan niya ang siko ko at ginayak papunta sa hagdan. Kaya ko naman na umakyat, ang mahalaga lang sa akin ay nakakapit ako sa barandilyas. Marunong naman akong dumahandahan.

"Those men are acting like children. I'm sorry if you see them every day like that."

Napangisi ako nang humingi siya ng tawad sa mga inakto ng mga lalaki na nasa baba.

"Ayos lang. Sanay na akong makita sila na ganun. Isang buwan ko na silang nakakasama dito sa mansyon eh."

"They're the worst. They're always like that since we were young."

"Eh ikaw? Hindi?" tanong ko.

Lumabas na biro yun dahil curious lang ako kung may pagka-isip bata din  itong si Leighton. Si Artori na kaedad lang niya ay hindi naman seryoso sa buhay pero itong si Leighton, parang pinaglihi sa sama ng loob pero ngayon ay hindi naman siya gaanong kaseryoso.

Leighton suddenly cleared his throat. Ewan ko kung anong ibig sabihin ng pagtikhim niya bigla. Siguro ay nasamid siya o ano.

"Not... really." sabi niya na parang hindi siya sigurado.

Napataas lang ako ng kilay.

Binitawan niya na ako nang makarating na kami sa second floor. Pero hindi pa siya bumababa. Nakahawak parin ang kamay ko sa barandilyas habang nakaharap kay Leighton. He was still on the steps. Yung isang paa niya ay nakatukod sa unang hakbang at yung isa ay nasa baba.

He looked up at me like asking a permission while he lifted his hand on the air.

"May I?" Hingi niya ng permiso.

I nodded as an answer.

Tahimik siya na may maliit na ngisi sa mukha. He palmed my belly carefully. And the baby moved again. Kanina ay ganito din kami. Hinawakan niya ang tiyan ko at gumalaw yung baby dito pa mismo sa hagdan. At naulit din ito ngayon.

Leighton Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon