Chapter 28

2.9K 193 206
                                    

Tempted

"Oh, nandiyan na pala kayo! Tamang-tama! Magswimming na tayo!" Tawag sa amin ni Diego nang matanaw kaming papalapit na. Kasalukuyan itong nag-iihaw ng marshmallow sa bonfire na namatay na ang apoy. "May salbabida ako pero nasa cottage!"

"Magsuswimming? Eh gabi na, ah?" Rinig kong reklamo ni Jia na siyang taga paypay.

"Kaya nga night swimming!" Patol naman ni Diego. "Eh kung maliwanag, day swimming na 'yon tanga!"

"What did you call me?!"

"Uhmm, tanga?"

"How dare you!" At nagsabuyan pa nga ng buhangin ang dalawa. Nadamay pa si Santi na tahimik lang sa tabi.

I only sighed and massaged my temple.

Nanatili akong tahimik kahit noong nakabalik na sa pwesto. Tumabi naman sa akin si Rael na may nananantiyang mga mata. He was about to talk to me when Greg suddenly interrupted. His attention got divided because of it. At dahil may sinasabi na si Greg, 'yon na ang inuna niya.

I scoffed and decided to just leave the two of them. Magsama kayong dalawa.

"Saan ka pupunta?" Nakasalubong ko si Eros na busangot ang mukha.

"I'll just book a room in the hotel. Babalik din ako. Bakit?"

Umiling ito. "Akala ko uuwi ka na. Balak ko sanang sumabay."

Napatingin ako sa suot kong relo. Maaga pa naman. It was still eight in the evening. Madami pang sasakyan nito sa labas. O pwedi ring magpasundo ako kay Kuya Ramil.

Pero... ayoko.

If Rael is staying for the night, then, so am I.

Naiinis lang ako ngayon pero hindi ko siya iiwan dito. Ang dami pa namang umaaligid sa kanya. Mahirap na.

"Bukas na tayo umuwi. Tutal magbobook naman ako ng kwarto, sa akin ka na lang sumama at huwag na kay Santi. Baka kasi magpatayan pa kayong dalawa."

Nabanggit ko pa lang ang pangalan ni Santi, nandidilim na ang mukha ng kaibigan ko.

"Baka mauna kong mapatay si Diego. How dare him invite that son of a bitch?" Reklamo nito bago ako nilampasan. I sighed and continued walking. Sana naman pagbalik ko ay tapos na silang mag-usap, ano?

I booked a room. Punuan na raw pero eksakto at may nag-out na isa. Though the room wasn't big, ayos na lang kaysa sa wala. Mas okay na 'to kaysa do'n sa tent nilang mga panget! Ilipad sana ng hangin!

Bumili na rin ako ng ilang pirasong damit at board shorts sa souvenir shop sa loob mismo ng resort. Nagyayayang maligo sa dagat si Diego at siguradong hindi ako tatantanan no'n mamaya hangga't hindi ko pinagbibigyan. Ugali pa no'n.

That's why when I came back to the shore, I was already wearing some board shorts and a dark gray souvenir shirt. Nakatsinelas na rin lang ako. Iniwan ko na rin ang cellphone at wallet ko sa kwarto dahil baka mabasa pa.

"Akala ko umuwi ka na!" Nagngising-aso si Diego at pasimpleng inginuso sina Rael at Greg sa harap. Greg is already on the water while Rael is just standing on the sand where the waves can't reach him anymore. Nakahalukipkip ito at malayo ang tingin. Mukhang may malalim na iniisip.

Tumayo sa tabi ko si Miggy na nagawa pang magstretching. Ngumisi ito at sinipat ako ng tingin.

"Ano? Itulak ko na ba sa dagat si Villarin?"

I frowned. What?

He chuckled then tapped my shoulder.

"Mukhang may atraso sa'yo sa sama ng tingin mo, e. Ipaghihiganti kita-"

Double TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon