Kabanata 4

14 0 0
                                    

Same day din ay naaprobahan ang ipinasa naming booth application. Kaya nagkaroon kami ng panibagong meeting ng kagrupo ko sa biology. Kakatapos lang nang huling klase sa araw na ito at napagdesisyonang dito nalang gawin ang pagtitipon.

Napangalumbaba ako habang nakatingin kay melody na nakatayo sa harapan ng klase at nakaupo naman kami sa harapang bahagi para makinig sa kanya.

"Ngayon naman ay pag usapan natin ang bawat task ng isat isa."panimula ni melody. "First, Food and beverages."

"Nasa food industry ang pamilya ko at nabanggit ko kay dad ang tungkol sa booth na gagawin natin at ang sabi niya matutulungan niya tayo sa bagay naiyon."rinig kong wika ni henry kaya napatingin ako sa kanya. Nakaupo siya sa ikalawang row kasama si nathan.

"Ayos lang ba kung kaming dalawa ni henry ang bahala diyan?"tanong ni nathan. "Pareho lang kaming nasa food industry, isasabay narin namin ang traning sa maggawa ng popcorn."

Lihim akong napangisi. Kailangan pa ba ng training sa bagay na iyon? Kailangan lang naman ilagay sa kawaling may takip ang tuyo na mais tapos ayon na. Gusto ko sanang isatinig iyon pero hindi ko  na ginawa dahil baka maoffend.

"Yes, it's much better kung dalawang tao ang nakatask sa parteng ito."pagsang ayon ni melody at may kung anong tinaype sa laptop niyang nakapatong sa desk ng teacher.

"At tsaka iyong equipment kami narin ang bahala."pagpapatuloy pa ni henry.

"Aasahan kita sa bagay na iyan, nathan and henry."wika ni melody. "Tapos na tayo sa food and beverages, next ay design. I want to do it."kaagad na sabi niya. "Ako na ang bahala sa mga design na kakailanganin. May kukontra ba?"pagpapatuloy niya at tinignan kami isa isa. Walang sumagot kaya tipid itong ngumiti at may tinaype ulit sa laptop niya.

Napataas ang kilay ko. "You look cute when you smile. You should do it more."sabi ko kaya kaagad itong napatingin sa gawi ko. Kaagad na sumeryoso ang mukha niya bago ibinalik ang tingin sa laptop.

Narinig ko ang mahinang tawa ni nathan kaya nakangiti akong bumaling sa banda niya."Tama ako diba?"tanong ko dito. Natatawang napailing nalang ito bago hinampas sa balikat si henry na umiiling.

Napatingin ako sa kaliwa ko na kung saan nakaupo si levi, may dalawang bakanteng upuan sa pagitan namin. "Right, levi?"pangungulit ko pa. Tinignan niya lang ako sa gilid ng paningin niya bago ibinalik ang tingin sa harapan. Sungit.

Kaya tumingin nalang ako kay yuki na nasa kanan ko"Right, yuki?"

"Y-yes."mahinang pagsang ayon niya. Nakayuko lang ito habang pinaglalaruan ang mga daliri, kapansin pansin ang pamumula ng tainga. Muli kong narinig ang tawa ni nathan kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Are you flirting with melody, rik?"tanong ni nathan.

Napangisi ako sa sinabi niya. "Hindi ah. Sinasabi ko lang ang opinyon ko. At tsaka hindi siya ang type ko."kaagad na sagot ko.

"Ohhh.."sagot niya nag letrang 'o' pa ang bibig at tumango tango. "Kung ganon ano ang type mo?"pagpapatuloy pa niya. Natawa nalang ako bago umayos nang upo. Walang balak na sumagot.

"Meeting ito tungkol sa booth, kung pwede lang ay huwag isama ang mga usapang walang kinalaman sa minimeeting."seryosong sabi ni melody at blangko akong tinignan. Ngumiti ako at kaagad na humingi ng paumanhin.

"Tapos na tayo sa food and beverages and design. Next ay ang paghahandle ng sales."

Gusto ko sanang magvolunteer pero nakatingin si melody kay yuki.

"I'll d-do it."wika ni yuki sa maliit na boses.

"Huwag kang mag alala, tutulungan kita sa parteng iyon."ani melody.

THE BETATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon