CHAPTER 56

17 9 0
                                    

Ara's POV

Nagsisimula na ang klase ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Malapit ako sa bintana, kaya naman ramdam ko agad ang lamig lalo na't may kasamang malakas na hangin. Napatigil ako sa pagsusulat at napatingin sa labas.

May bagyo ba?

Napatingin ako kay Miss Veroña, na kahit malakas ang ulan ay walang tigil pa rin sa pagsasalita. Tuloy-tuloy lang siya sa pagtuturo na parang hindi apektado ng ingay ng ulan.

King ina dedma sa ulan, huh

Palakas ng palakas ang buhos ng ulan, at ang tunog nito ay parang malalakas na tambol na humahampas sa bubong ng classroom. Nakakaabala ito sa akin at sa mga kaklase kong sumusubok mag-concentrate sa lesson.

"Miss! May bagyo po ba?" tanong ni Riza, na halatang nag-aalala. Napatigil si Miss Veroña sa pagsasalita at tumingin sa bintana, ang kanyang mukha ay nagiging seryoso.

"Class! Dismissed, pero walang lalabas ha? Pupunta muna ako sa SSG office. Officers, magsaway," sabi ni Miss Veroña habang mabilis na kinuha ang mga libro niya at nag-ayos.

Inilabas ko ang aking cellphone at tinignan agad ang Facebook kung anong post ng government.

"King ina, may bagyo nga," bulong ko sa sarili ko habang binabasa ang post ni Gov. Nakalagay doon ang mga babala tungkol sa malakas na ulan at posibleng pagbaha sa mga susunod na oras.

Mag-ingat ang lahat at iwasan ang mga low-lying areas. Huwag lumabas kung hindi kinakailangan, ang nakasaad sa post, na nagbigay sa akin ng labis na pag-aalala.

Mayamaya pa ay pumasok si Mikha, halatang nag-aalala.

"Section B! Pumunta ang lahat sa gymnasium!" sigaw niya, umabot sa mga sulok ng silid. "Suspended na ang klase, pero kailangan makauwi kayo ng ligtas. Merong bus na mag-uuwi sa inyo, kaya pumunta munang lahat sa gymnasium! Faster!"

Nagkagulo ang mga kaklase, at ang ilan ay nagmamadaling nag-ipon ng kanilang mga gamit. Napangiwi ako ng makita ko si Chad at Gab na tumatalon-talon pa at tumatawa. Aba this is not a joke.

Lumabas na kami ng classroom dala ang aming mga bag pero napaatras din agad ako ng humampas saakin ang malakas na ulan, wala akong payong. Ang lakas ng ulan kainis!

Plano ko sanang sumugod na lang sa ulan pero may biglang umakbay saakin, paglingon ko ay muntikan ko ng mahalikan si Jezreel sa sobrang lapit namin sa isat-isa, ngumiti siya at binuksan ang payong niya bago ako iakay na pumunta sa gymnasium.

Habang naglalakad kami, napansin ko ang ilang kaklase na nagmamadali ring pumunta sa gymnasium. Ang tawanan at ingay ng mga estudyante ay umabot sa aming mga tainga kahit sa gitna ng malakas na ulan.

Nagagawa pa talaga nilang tumawa kahit may bagyo na ah.

Nang makapasok kami sa gymnasium, nag-umpisa na ang mga estudyante sa pag-aasikaso sa kanilang mga pwesto, habang ang mga guro ay nagtutulungan sa pag-aalaga sa sitwasyon.

"T-Thanks," naiilang kong sabi sa kanya, kasabay ng pag-iwas ng tingin. Ngumiti naman si Jezreel at tumango, tila walang bahid ng kaba o pag-aalinlangan.

"May magsusundo sayo?" tanong niya, masinsin ang tingin

"Yeah," sagot ko, medyo maikli pero sapat na para tapusin ang awkward na pag-uusap.

Nagkaroon ng ilang segundo ng katahimikan, pero ngumiti lang ulit si Jezreel bago siya bumaling sa ibang direksyon. "Good. At least safe ka."

Hindi ko alam kung anong sasabihin pa kaya tinanguan ko na lang siya, sabay iling sa sarili. Sana dumating na ‘yung sundo ko nang hindi na ako magmukhang tanga dito.

Stay With Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now