One shot

24 0 0
                                    

*sigh*

Its been what? 5, 6 years? At hanggang ngayon wala pa rin. Wala pa rin akong asawa! Kung bakit ba naman kasi pumayag ako sa kasunduan na yon!

FLASHBACK (5 YEARS AGO)

"Walang hiya ka! Ang kapal ng mukha mo! Manloloko! Paasa!" Humahagulgol na sigaw ni Hershey. Sino sya? Isang babae lang naman na patay na patay sa inyong lingkod. Tss. Mga babae talaga.

"Miss, pwede wag ka mag eskandalo dito? Ang sakit kasi sa tenga ng boses mo eh. Atsaka excuse me? Pinaasa ba kita? Wala akong sinabing gusto kita diba?" Sabi ko sa kanya. Ang hirap kasi sa mga babae, nilapitan lang at nginitian, sinasabi paasa na.

"Pa-fall ka kasi! Tapos malalaman ko na pinagplanuhan nyo talaga yung mapalapit ako sayo?! Hoy! Hindi ako laruan!" Sigaw nanaman nya. Di pwedeng kumalma? Kailangan labas litid?

Ano ba ang sinasabi nya? Well, we made an 'agreement' ng mga barkada ko. Not totally a bet. Bakit? Wala lang para maiba lang.

Sinubukan kasi namin kung gaano kalakas ang karisma ko. Malay ko bang mababaliw sya ng ganyan.

"Sorry miss. I didn't expect na ganito ang mangyayari. Well, sorry na lang." Sabi ko at tumalikod na. "Tara na mga tol." Aya ko sa barkada.

Hindi pa kami nakaka tatlong hakbang manlang ng biglang..

"Hoy! Alfred Nuevas!" Nagpanting ang tenga ko. Ano sabi nya? Hoy?! Hinohoy nya tong kagwapuhan ko?!

Hinahanda ko na ang sarili ko sa pagbulyaw dun sa babae pero bago pa ako makaharap ay may humatak na sakin.

"Hoy san mo ako dadalhin?!" Pero hindi nya ako sinagot. Huminto kami sa hindi mataong lugar.

"I have a proposal. You see, kapatid ko lang naman yung ginago mo kanina. At bilang ate nya, malamang hindi ko hahayaang ganon na lang yon." Sabi nya. May hawak pa syang papel. Tss.

"So ano gusto mong mangyari? Balikan ko yung kapatid mo dahil baka magpakamatay sya? Tapos ako, magmimistulang bihag. Hanggang sa mahuhulog ako sayo at magkakaproblema tayo sa kapatid mo. Tapos--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang sungalngalin nya ako ng papel! Bastos tong babaeng to ah!

"Lalaki ka ba talaga? Ang lakas mo makawattpad ah! Eto! Kontrata yan. Bilang parusa, lalagyan ko ng limit yang pagiging binata mo. 26. Pag 26 years old ka na ay hindi ka na pwedeng magpakasal. Tingnan lang natin kung may magmahal sa antipatikong kagaya mo!" Sabi nya. Kinuha ko naman ang kontrata. Sus! Sa gwapo ko ba namang ito! Sisiw!

"Ano naman mapapala ko rito? Inuuto mo lang ako eh." Sabi ko sa kanya.

"Bakit? Wag mo sabihing hindi ka confident na may papatol sayo? Akala ko ba gwapo ka?" Abat! Pinaningkitan ko sya ng mata. Kinuha ko agad ang ballpen sa kamay nya at pumirma. "Deal."

END OF FLASHBACK

Hindi ko alam kung anong ginawa sakin nung babaeng yon! Hanggang ngayon kasi wala pa rin pumapatol sa akin. Simula nung araw na yon. Parang bigla akong pumangit sa paningin ng mga babae. Dati naman may mga bente mahigit ang nagkaka crush sakin pero ngayon wala! Bokya!

Parang nagkanda leche leche na nga ang lovelife ko simula nung pumirma ako dun.

Ako nga pala si Alfred Nuevas. Painter ako. Sculptor din minsan. Yon pa nga isa sa pinagataka ko eh. Sikat akong painter. Here and abroad. Gwapo, may kaya, talented, bumait na rin naman pero bakit wala akong girlfriend?! Hindi naman sana problema yon diba? Eh kaso 25 years old na ako bukas! Hindi ako pwedeng tumandang binata! Sayang lahi ko!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Finding "Wife"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon