Where Everything Starts [One Shot]

2.2K 52 11
                                    

NOTE:

nakuha ko yung idea nito dahil sa kadaldalan ng kaklase ko, nung nagkwekwento sya...binago ko ang plot and taaadaaa!!!

and syempre by putting my OWN twist, idea of conflicts, I am able to produce and write this story...

>>> patugtugin nyo yung song sa gilid! mas maganda kung may MUSIC, TRUST ME:DD >>>

nasa external link yung characters, ayaw magattach sa photo eh :D

ENJOY!!!

======================================================================================================================

Where Everything Starts [One Shot]

Kate's POV

"maghiwalay na tayo" 

parang bombang sumabog ang mga salitang binitiwan ng asawa ko

masakit, oo, sobra...

bakit ganun? kung sino pa yung nagmamahal ng sobra, ikaw pa yung maiiwan

hindi ko akalain naaabot kami sa ganito

naaalala ko pa yung mga panahon na masaya kami, yung inlove sa isat-isa

yung halos ibigay na nya sa akin ang buong mundo, mapasaya lang ako...bakit?

bakit ka biglang nagbago? 

"w-why?" unang tanong na lumabas sa bibig ko, gusto kong malaman ang dahilan

"I fell out of love" deretsong sagot ni Garett

fell out of love? nauubos na yun?

"may..may iba ka ba?" tanong ko sa kanya

"oo" he said

at tuluyan ng bumagsak ang luhang kanina ko pang pinipigilan,bakit ang unfair?

"bakit ganun? bakit ang unfair?" umiiyak kong tanong sa kanya

"nagkulang ba ako? saan?" dagdag ko pa

yumuko sya, nakakuyom ang mga kamay nya

lalo akong naiyak ng wala akong makuhang sagot mula sa kanya

hinawakan ko sya sa magkabilang balikat at niyugyog

"bakit garett!? anong mali? anong kulang? binigay ko naman lahat di ba? inalagaan kita, minahal...bakit mo ako ginaganito?!" 

patuloy lang ako sa pagiyak, halos wala na akong makita

ang sakit sakit lang na yung taong akala mo na magmamahal sa'yo habang buhay, yung tao na akala mo makakasama mo pagtanda ay sya pang mananakit sa'yo

hinawakan nya ang kamay kong nakahawak sa kanya

"oo, hindi na kita mahal, pagod na pagod na ako, ayoko na! ni hindi mo ako magawang bigyan ng anak!"  sigaw nya sa akin

ilang saglit akong napatulala, nakatingin lang ako sa mga mata nya, gusto kong malaman kung totoo ba ang mga sinasabi nya

ng marealize ko kung ano ang mga salitang binitiwan nya, napaluhod ako, hawak-hawak ko ang mga binti nya, halos magmakaawa na ako

gusto kong sabihin na panaginip lang ito, na hindi ito totoo pero...bakit ang sakit?

kung panaginip lang ito bakit ang hirap huminga?

"g-garett" umiiyak kong sabi

"s-sorry...sorry kasi wala akong kwentang asawa, sorry kasi hindi kita mabigyan ng anak...sorry" iyak pa din ako ng iyak

Where Everything Starts [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon