Ichineck namin ang location, ang lugar na pwede naming ilagay ang booth namin. Marami akong nakikitang estudyanteng busy sa ginagawang booth. Ang iba ay nagsisimula na at ang iba naman ay tapos na. Samantalang kami ay wala pang nasisimulan. Sa susunod na araw pa kasi dadating ang mga materials namin.
"This is the center of the academy."rinig kong wika ni melody habang patuloy parin sa mabagal na paglalakad kasama ang iba. Nasa likuran nila ako at nakasunod lang sa kanila.
Iginala ko ang paningin sa paligid, ang dating empty field ay puno na nang mga ibat ibang klase ng booth. Dahil busy ako netong nakaraang taon sa volleyball hindi ako nagkaroon ng pagkakataon makapunta sa area na ito namay lamang mga booth.
"Oh rika? Bakit nandito ka?"rinig kong wika ng isang babae, napatingin ako sa nagsalita at kaagad akong napangiti. Hindi ko alam ang pangalan niya pero madalas ko siyang nakikita.
"Hindi ako kasama sa volley ngayon. Nandito ako kasama ang team ko para icheck ang location na ibinigay ng council saamin."sagot ko at tumingin sa ginagawa niya. Bahagya akong lumapit sa gawi niya at tinignan ang pinipaint niya sa kahoy.
Fortune telling.
"Ganoon ba? sayang naman. Napanood kita last year, ang galing mo pa namang maging middle blocker. Well ganoon talaga, nagbabago talaga taste natin."kumento niya. Ngumiti lang ako bilang sagot. "Late na kayo magtayo ng booth ah. Baka hindi kayo makahabol niyan. Malapit na ang sport day."pagpapatuloy niya at ipinatayo ang pahabang kahoy namay kulay pulang mga letra.
"Magkano ba ang magpahula sa booth niyo?"takang tanong ko kaya kaagad siyang napatingin saakin at malapad na ngumiti.
"100, per session."tugon niya at isinandal ang ginawa niya sa gilid.
"Magpapahula ako. 70 nalang."tawad ko dito.
"75."
"Deal."
Malakas itong tumawa kaya napatingin ang ilang mga estudyanteng busy sa ginagawa sa banda namin.
"Kailan ka ba magpapahula?"
"Ngayon na. Nandyan ba iyong manghuhula niyo? baka kasi wala na akong oras kapag sa sport day pa."sagot ko at tinignan ang nasa likuran niya. Isa iyong tent na malaki at pinagpapatungan lang nang mga ibat ibang kulay na tela.
Wala rin siyang ibang kasama kaya iniisip ko na baka busy ang ibang membro niya.
"Ngayon? teka lang titignan ko lang sa loob."nagmamadaling sabi niya at pumasok sa loob ng tent.
Alam kong hindi totoo ang mga ganito. Pero wala namang masama kong susubukan. Trip nilang gumawa ng fortune telling booth. It's their choice. Nandito lang ako dahil kuryoso ako sa sasabihin ng estudyanteng manghuhula. Gusto kong malaman kung paano sila gagawa nang istorya ng buhay ko.
"Rik, ready na. Pumasok ka na."rinig kong sabi ng babae sa loob ng tent.
Napangisi ako bago pumasok sa loob. Dumapo ang paningin ko sa isang pabilog na table namay transparent moon sa gitna, may dalawang upuan din sa magkabilang side. Nakaupo doon sa isa ang babaeng nakausap ko sa labas ng tent. Pero ang pinagkaiba lang ay may nakatakip na sa ulo niya at tangging kamay niya lang ang nakikita.
Mariin kong kinagat ang labi ko para huwag matawa sa nasaksihan. Ibig sabihin siya rin ang manghuhula?
"Maupo kana."wika niya at itinuro ang isang mono block sa harapan ng table. Kaagad akong umupo doon at tumingin sa kanya.
"Anong ipapahula mo?"tanong niya.
"Ano ba ang available?"tanong ko pabalik.
"Ano ba ang gusto mong malaman?"kaagad na sagot niya. Kaagad akong natigilan at napaisip.