Dispute
────⊱🥀⊰────
Kianna's Point of View
Naalimpungatan ako sa sobrang ingay ng mga tao sa paligid ko.
"Kupal! Ba't mo kinain 'yan?! Bili 'yan ni Zyko para kay Emrys! Lagot kaaa. Zykooo si--"
"Hoy, gunggong! Kung makapagsalita ka, parang hindi ka kumagat sa pagkain kanina ah!"
"Sinong gunggong?! Mas mukha ka pang gunggong kaysa sa'kin!"
Nakarinig ako ng kaluskos mula sa kanang bahagi ko.
Napadilat ako ng mga mata at unang tumambad sa'kin ang nagkakaguluhang mga kaklase ko.
Nagbabangayan sina Ian, Forest, at Shawn. Nagpapatangkaran naman sina Jethro at Bevin. Si Heol ay tahimik na nakaupo sa mahabang sofa habang naglalaro sa kanyang cellphone, samantalang seryosong nakatitig sa labas ng bintana ng silid si Jaden habang nakakrus ang kanyang mga braso. Nakasandal naman si Azriel sa pader ng silid habang nakakrus ang kanyang mga braso at mukhang malalim ang iniisp.
"Bakit pa kayo nagtatalo, eh parehas naman kayong mga gunggong!" Sigaw ni Shawn sabay tawa ng malakas.
Sabay na hinarap nina Ian at Forest si Shawn.
"Ikaw, asungot!" Sabay nilang sigaw sa mukha ni Shawn dahilan para mapatigil si Shawn sa kanyang pagtawa at galit na hinarap ang dalawa.
"Asungot?! Ako?! Abaaa! Tignan lang natin kung sinong magmumukhang asungot kapag nalaman ni Zyko na kinain niyong dalawa ang binili niya para kay Emrys. Zykooo!" Pasigaw na tawag ni Shawn sa aming presidente.
Agad naman siyang sinugod nina Ian at Forest. Tinakpan ni Ian ang bibig ni Shawn samantalang pinigilan naman ni Forest ang mga kamay ni Shawn na abutin ang kamay ni Ian upang tanggalin sa kanyang bibig.
"HmMmm, HmmMmm..." Ani niya na hindi masyadong maintindihan sapagkat nakatakip sa kanyang bibig ang kamay ni Ian.
"Mga hinayupak, ang iingay niyo." Inis kong sambit dahilan para mapatigil sila sa kanilang mga ginagawa at namimilog ang mga matang nalipat ang tingin sa'kin.
"Zykooo!" Sabay nilang sigaw na mas lalo kong ikinangiwi.
Dali-dali silang pumunta sa tabi ko. Halos palibutan na nila ako rito. Napatingin ako sa kanang kamay ko nang makaramdam ng sakit mula roon.
Ay pucha, kinabitan ako ng dextrose.
"Okay ka na ba?" Nag-aalalang bungad ni Jaden na nasa kaliwang bahagi ko.
Nakarinig kami ng kaluskos na nanggagaling mula sa pinto ng silid na ito.
"What the fvck? My ears are hurting from all the noise you make." Kapansin-pansin ang pagkairita sa strikto at malamig na tono ng boses ni Zyko na kakapasok lang.
Gumilid sina Jethro at Bevin na siyang nakatayo sa kanang bahagi ko. Doon sumingit sina Zyko at Azriel. Nakahalukipkip silang dalawa na tumayo sa kanang bahagi ng kamang hinihigaan ko.
"How are you feeling?" Malumanay niyang tanong sa'kin ngunit mababakas pa rin sa kanyang boses ang pagkastrikto ng mababa at malamig nitong tinig.
"Ayos na ako." Sagot ko.
Ipinuwesto ko ang magkabilang kamay ko sa gilid ng aking baywang upang doon kumuha ng suporta sa pag-upo. Agad naman akong inalalayan nina Jaden at Zyko sa balak kong pag-upo.
YOU ARE READING
The Only Rose Among The Thorns: Behind The Hood (On going)
Mystery / ThrillerUnexpected encounters and circumstances change our lives on a continuous basis. By the time she was adopted by an affluent elderly woman, she had led an ordinary life. However, her life drastically changed just before she turned eighteen. Everythi...