KABABATA 4: UNANG GABI

20 10 0
                                    

"MARA, saan ba kayo galing ni Jared? Anong oras na wala pa tayong naluluto" tanong agad ni Samantha nang maka balik na ang dalawa sa kanila.

"Sa basement, tinignan lang namin kung may mga pwede tayong magamit" pag sisinungaling ni Jared, mabilis naman na tumango si Samantha.

"Tara na nga sa kusina" saad pa nito at pumunta papuntang kusina, sumunod naman sa kaniya ang iba pa. Pati na din si Theo na buhat buhat ang mga pagkain na lulutuin nila.

"Okay na phone mo?" tanong ni Mara ng makalapit ito kay Samantha.

"Oo, bigla lang nag shut down ang phone ko" sagot nito. "Kainis talaga kapag walang signal, walang magawa" dagdag pa nito at padabog na ibinagsak ang katawan nito sa may upuan banda sa kusina.

"Anong magagawa natin? Bundok itong bahay pinuntahan natin" pag dadahilan ni Theo at inilagay ang mga pagkain sa lababo.

"Kaya nga e, wala din naman magawa dito"

"Hayaan mo na, isang linggo lang naman." pag pukumbinsi nito at isa isang iniayos ang mga pagkain. "Hoy, kayong mag jowa d'yan sa gilid. mag luto kayo ng kanin, ikaw Amara.. ikaw na bahala sa ulam natin" dagdag pa nito. Mabilis naman tumango si Amara at pumunta sa kusina, ganun din naman diba Jake at Dianne na nag linis na ng kaldero at nag saing na ng ulam.

"Buti nalang talaga at matitino pa ang mga gamit dito kung hindi bangungot ang pag punta natin dito." dagdag pa niya ng matapos nitong ayusin ang mga pagkain.

"I'm boreeeeeddd" mahabang sabi ni Samantha habang naka tingala at iniaangat ang kalahati ng upuan nito gamit ang paa.

"Laro nalang tayo mamaya after dinner" sagot sa kaniya ni Jared at umupo sa may tapat ni Samantha at itinabi ang phone niya sa table, sumunod din naman sa kaniya ni Theo ng matapos na ito sa ginagawa niya.

"Anong laro?" tanong ni Samantha na mukhang napukaw nito ang attensyon nito.

"Anything. truth or dare, cards, guessing games, kahit ano bago tayo matulog" sagot naman ni Theo at uminom ng tubig na dala dala nito.

"Spirit of the glass!" excited na suggest ni Samantha, mabilis naman na natawa si Jake sa sinabi ni Samantha.

"Naniniwala ka sa ganun? Napaka bata naman niya" sagot nito. Agad naman siyang siniko ni Dianne na nasa tabi niya ang nag luluto ng kanin.

"Hayaan mo na, maganda naman mag laro ng spirit of the glass dito e lalo na't mukhang hunted itong tinutuluyan natin" pag babawal ni Dianne.

"Ang tanong, may sasagot kaya? Mag sasayang lang tayo ng oras sa ganun" pag dadahilan ni Jake.

"Eh kapag may sumagot ano?" malditang tanong ni Samantha.

"Edi kausapin mo, akala mo naman meron. Ilang taon na tayo Sam, wag kana mag papaniwala sa ganiyan"

"Tama na yan, mamaya nalang natin pag usapan yan." Bugtong hiningang sabi ni Amara ng matapos niyang ihanda ang mga gagamitin sa pag luto, nahiwa na din niya ang mga gulay na kailangan nila.

"Oo nga naman, pwede naman nating gawin lahat ng gusto natin mamaya" dagdag pa ni Jared.

Inilibot ni Jared ang palad nito sa lamesa na para bang may gusto itong hawakan, agad itong lumingon sa baba ng lamesa ng hindi nito makita ang hinahanap niya.

"Oh tol. Anong problema mo?" tanong ni Theo ng mapansin na nito na may hinahanap ang kaibigan nito.

"Yung phone ko, nawawala" saad ni Jared habang hinahanap pa din ito.

"Ha? saan mo naman nilagay?" tanong ni Samantha at tumulong na din sa pag hahanap kasama ni Theo sa paligid ng lamesa.

"Nandito lang yun kanina."

Mga Kwentong Mula Sa Dilim Series # 4: DalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon