-;-;-;-;-;-;-
Love Game
-;-;-;-;-;-;-
"I'm trying real hard not to shake. I'm biting my tongue,
But I'm feeling alive and with every breathe that I take,
I feel like I've won. You're my key to survival..."
[Kathryn]
Gusto ko nang itapon ang cell phone ko. Nakatalukbong ako ng kumot at ibinaon ang ulo ko sa unan dahil sa pinagsamang inis at pagod. Kanina pa kasi tumutunog ang phone ko at ni-silent ko na lahat-lahat, pero rinig ko pa rin yung pag-vibrate. Baka nga sumabog na yun sa sobrang daming messages. Gusto ko sanang i-off pero baka tumawag or mag-text si Dj sa akin at hindi ko maisagot. Ayoko naman ng ganun.
Pero paano ko nga naman malalaman kung nag-text si Dj kung hindi ko hahawakan ang telepono ko or titingnan man lang ang messages? Kaso, naiinis nga akong kalikutin ang telepono ko ngayon kasi walang humpay ang pag-receive ng messages nito from unknown number. Siya pa rin yung dati na text ng text sa akin kaya nagpalit ako ng number.
Bakit kasi nalaman agad ng kung sinong Poncio Pilato na iyon ang number ko? At bakit niya ako pinapadalhan ng cryptic messages? As if my own problems are not enough, kailangan pa talaga niyang dumagdag.
Sa pang isang milyon atang pag-vibrate ay kinuha ko na ang telepono ko at tiningnan ito. 123 messages na ang loko. Binuksan ko iyon at nakita ko ang sandamakmak na messages na ang karaniwang alam: Do you really know him? or ang iba naman, Do you want to know the truth?
Pero halos mabitawan ko yung telepono ko nung mabasa ko yung message na: I want to own you.
Itinabi ko ulit ang telepono ko at nagtalukbong ng kumot. Nakaramdam na ako ng takot. Bakit kasi sa akin nangyayari itong mga ganap na ito? Nakikita ko lang dati ito sa palabas sa tv. Akala ko O.A. lang ang mga nandoon pero shet, ganito pala ang feeling ng may stalker ka.
Ramdam kong nag-vibrate ang phone ko. This time, hindi na tumigil iyon sa pag-vibrate. May tawag ata ako. Nag-sign of the cross ako at baka yung stalker ko na ang tumatawag sa akin. Kinuha ko ang telepono ko at sinagot ko na lang iyon nang hindi tinitingnan ang caller I.D. kasi ayokong makita ulit ang number nung stalker na iyon. Kailangan ko siyang mamura kahit isang beses man lang or mabantaan para naman mahimasmasan na rin ako.
"Putangina mo! Gago ka! Lubayan mo na ako and stop giving me messages enough to give me a heart attack, you freaking asshat!" sigaw ko.
"Did I do something wrong?" pagod na tanong ni Dj sa kabilang linya.
Napabalikwas tuloy ako dahil sa boses niya at nahulog pa ako sa kama dahil sa katangahan ko. Kasama ko pa iyong kumot ko sa pagbagsak.
"Hello? Hello Kath!" sigaw ni Dj sa kabilang linya. Siguradong narinig niya ang malakas na pagbagsak ko at nag-aalala na iyon ngayon. Ginapang ko yung telepono at inilagay sa tenga ko.
"Sorry, nahulog lang ako. Sorry talaga," sabi ko na lang.
"Ano bang problema? Bakit mo ako minumura kanina?" tanong niya ulit.
BINABASA MO ANG
Love Game (Song #1)
RomanceWhen delinquent student, Kathryn Bernardo found solace in her English teacher's arms, a dangerous love game begins.This is a story of two broken people living caged in their past with two mysteries to solve and a love that would save them both. For...