YMMR III

146 6 0
                                    

YMMR III:

"Good morning manong!" bati ko kay kuya guard pagpasok. Ngumiti ito pabalik.

"Mukhang good mood ka Ms. Chandria"

"Aba, siyempre po!" sagot ko rito at nakipag-apir.Nakangiti akong naglalakad sa hallway nang matanaw ko ang aking bruhildang ipag.

Nang magkalapit kami ay ngumiti ako ng pagkatamis-tamis kahit alam kong hindi niya ako tinitingnan. "Good morning, madam." I greeted,  emphasizing the 'madam'.

Natigil ito at halatang nagulat sa inakto ko ngunit inirapan rin ako at umalis.

Muli akong naglakad, napagisipan ko kagabi, na hindi ko na dapat pinagtutuonan ng pansin o ginagawang big deal ang mga maliliit na bagay.

As Bermu-Ms. Bermudez requested, or more like demanded, itu-tutor ko ang koreanong iyon, sa mga lessons at activities na hindi niya naabutan bago pumasok.

Ayon kasi sa mga nasagap kong tsismis, yung Jeon Jungkook pala na yun, ayon sa narinig ko kahapon, ay anak ng isa sa mga major stockholders ng akademya, kaya naman pala gano'n nalang itrato iyon ng mga teachers. Ritskid. Umuwi lang daw siya sa Pilipinas last summer, para mag-vacation, uuwi dapat siya pero his father forced him to study here, tumanggi man siya, wala naman daw siyang nagawa. Kaya siguro gano'n nalang ang init ng ulo niya.

Dumiretso ako sa aking locker(sinigurado kong tama ang napuntahan ko), at kinuha ko ang mga libro ko para sa aking morning classes. Pagkatapos ay pumunta na akong classroom

Well, my morning class went well.

Lunch ngayon at kao-order ko ng pagkain ko.
Tahimik akong kumakain nang may umupo sa aking harapan.

"Hey, Kath!" iniangat ko agad ang tingin.

"Lyle, ikaw pala!" nginitian ko ito.

"Aba! An'yare? Parang kahapon lang beast mode ka a." pangangantyaw nito.

Hindi ko na napigilan ang umirap. Panira ng mood ever!

"Ipinagbabawal na ba ang pagngiti?" taas-kilay kong tanong. "Huwag mong sirain ang mood ko, Lyle."

Hindi ata buo ang araw ng pinsan kong to ng hindi ako napapairap at naaasar.

He raised his hands, na parang kriminal na sumusuko, ngunit nakangiti ng nakakaloko. "Ok...ok" natatawa nitong sabi.

"I heard, itu-tutor mo raw iyong new student." seryoso na ang tono nito.

"Yep. Why?" Bakit ba niya tinatanong? Hindi kaya, totoong may gusto 'to dun sa Jungkook na 'yun? Napailing ako sa naisip ko.

Baliw ka na talaga, Kath!

"Wala lang." he shrugged. "Good luck sayo." bulong nito ngunit hindi ko narinig.

"Huh?"

Umiling ito.  "Wala,wala." Tumayo na ito aalis na.. Ngayon ko lang napansin, hindi pala siya um-order ng pagkain.

I held my glass at sumipsip sa soda ko ng bumulong ang hindi pa pala nakakaalis na Lyle mula sa likod ko, sa tainga ko. "By the way, I saw the slurpee-instant-shower scene yesterday"

Agad kong naibuga ang soda sa bibig ko. Pucha talaga, Lyle!
Napatingin lahat ng studyante sa akin, liningon ko ang putsapang culprit sa nakakahiyang eksena ko. Nakatakip na ito ng bibig para pigilin ang tawa ngunit agad ding humagalpak ng tawa, at dali-daling lumabas ng cafeteria.

***

I raised my hands ng marinig na ang bell, SA WAKAS! VACANT!
Ngingiti akong nag-ayos ng gamit ko ngunit nawala rin ng may maalala ako, itu-tutor ko pa pala si koreano.

Tumayo na ako ng may maalala ako--hindi ko siya nakita buong hapon, ibig sabihin, ABSENT SIYA! Agad bumalik ang ngiti ko. Praise the Lord!

Inayos ko ang straps ng bag ko, hawak ko ang phone ko at lumabas na ng pintuan ngunit tumigil rin ng marinig ko ang isang familliar na boses.

"You look insane smiling alone." umiling-iling pa ang koreanong ito.

Napamulagat ako sa gulat, ngunit hindi ko ipinahalata.

You look insane smiling alone, I mimicked him. Insane mo mukha mo!

"Why are you here?" tanong ko, faking a smile.

"Am I not allowed here?"

I rolled my eyes. Of course you're allowed here, kahit umabsent ka ng isang buwan, you're allowed here.

"That's not what I meant, Mr. Jeon. I thought you were absent. I didn't see you the whole day." nagkibit-balikat ako.

"Okay..."

"So? Where will we start our tutor session?" prente kong tanong, pero sa totoo lang kating-kati na akong lumabas at enjoyin ang freedom ko.

"I didn't came here for that." bagot nitong sabi. Napakunot ang noo ko. Eh?

"Follow me." Sumunod naman ako. Hindi muna akong kumontra kasi nga Kath, that is a high-profiled boy--his father is, but ganun na rin yun.

So I obliged.

Nang mahalata ko kung saan kami naglalakad o papunta ay napakunot ang noo ko,
kung hindi ako nagkakamali ay sa FR kami papunta.

Lumiko kami at YES sa FR nga.

"Nantitrip ka ba?" medyo sigaw ko pero hindi niya man lang ako nilingon. Ano bang gagawin namin dito.

Suplado forever?

Dumire-diretso ito sa cubicle ni Ms. Bermudez, napalingon pa ang mga ibang teachers ng nakakunot-noo ngunit nagsibalikan din sa mga ginagawa ng makita si Jungkook, It's still weird calling him by his weird name.

May pinag usapan pa sila. Then he motioned me to come over, kaya pumasok ako.
Masama ang tingin sa'kin ni Bermudez.

"Ano?" tanong ko.

"Hindi mo na raw siya itu-tutor." halatang naiinis ito.

Nagtataka kong liningon si JK, so you're giving him a nickname now huh, Kath.

"I already have my personal and more professional tutor." He shrugged.

Napatango nalang ako. "Okay." I want to jump right now.

"You may go now."

Nang makalabas kami ng FR ay hindi ko mapigilang mapangiti.

"Don't yet celebrate. I'm not yet done with you."

"Huh?"

"You still have to tutor me."

"Tutor? Ano pang ituturo ko sa'yo?" napairap ako ng mapakunot ang kaniyang noo.

"The tutor thingy was Ms. Bermudez' request, not yours'" grades ang usapan non kaya pumayag ako pero hindi ako magpapauto sa kaniya. Tsaka ano pa bang ituturo ko sa kaniya, e 'di ba nga, he has a more professional tutor already?

"Oh, don't worry. I don't just trade." tinaas-baba pa nito ang kilay.

Pinanliitan ko ito ng mata at pinagkrus ang aking mga kamay sa aking dibdib. "Okay, so what's the catch?"

He gave me a lopsided grin and suddenly grabbed something from my hand, MY PHONE!

"Hoy! Anong ginagawa mo?!" sigaw ko ng magsimula itong kalikutin ang phone ko. Pumindot pindot pa siya at utinapat sa tainga niya bg phone ko. Biglang may tumunog at may inilabas siyang phone sa bulsa niya. Nang ibinalik niya ang phone ay chineck ko agad ito kung may nadelete ba.

Pagbaling ko sa kaniya ay nakangisi ito. Relax, Kath.

"I gotta go, I'll just text you." pagkasabi'y umalis na ito.
Naiwan akong nakanganga. What just happened?

--
@keitheen143

You're My Miss Right (Jungkook and  Kathryn FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon