Prologue

25 12 0
                                    

I never thought a single night could change everything.

One random Friday, our company had a celebration at a club. It was supposed to be a low-key gathering, pero siyempre, hindi puwedeng walang drinks. Pero ayun, natangay ng vibes, before I knew it, I had a one-night stand... boss ko pa! Si Samuel! , I woke up... next to him. Oh, my God, Samantha! What did you do?! Pagdilat ko pa lang gusto ko na agad mag-resign. At yun nga, I couldn't face him at work, so I made a decision-I resigned.. Walang explanation, walang paalam. Lipad agad palayo sa trabaho at sa kanya.

Pero hindi lang naman siya ang dahilan ng pag-alis ko. My sister was pregnant, and she needed me. She's the only family I had, Isa siyang undercover agent na nasa delikadong misyon, at dahil sa delikado niyang misyon, she had to leave her newborn daughter Elise in my care para sa kaligtasan ng anak niya. Ang cute ni Elise at grabe, kamukhang-kamukha ko. Kaya sino ba ang hindi maniniwala na ako ang nanay? At ayun, ako na ang tumayong 'Mommy' niya, kahit na alam kong sabit ang buong set-up namin. Hindi ko inisip na magiging ganito ang buhay ko-tumayong ina sa anak ng ate ko. But for their safety, I had no other choice.

Five years old na si Elise. 'Mommy' ang tawag niya sa akin, at sa paningin ng lahat, kami ang perfect na mag-ina.

Isang araw, habang sinusundo ko si Elise sa school, may narinig akong boses mula sa likod. "Excuse me, miss, do you know this address?" tanong ng isang pamilyar na boses.

Nagulat ako at biglang lumingon. Ayun na nga-si Samuel, ang ex-boss kong kinatatakutan ko pang makita muli.
"Sa-Samantha?" Seryoso at halong takang tanong niya.

"Ha? Sino ka?" sagot ko, nagpapanggap na di ko siya kilala. Gusto ko nang umalis pero ayun, sakto namang lumabas si Elise mula sa gate ng school.

"Mommyyy!" sigaw niya, tumatakbo papunta sa akin at niyakap ako. Napatingin si Samuel kay Elise, parang nalito siya, as in para siyang nakakita ng multo.

"Bakit mo tinago sa akin na may anak tayo?" seryoso niyang tanong, Hayy naku paano ko ba i-explain to sa kanya!

"Umm, sir, hindi ito ang iniisip mo," pilit kong sabi.. pero di niya ako pinakingan

"How old is she?" tanong niya, habang tinitigan si Elise.

Sagot naman ng pabebe kong pamangkin, "Five years old po, Tito!"

Samuel's eyes narrowed, his gaze boring into me as he calculated the years. "Six years ago... that night..."bulong niya, unti-unting nalaki ang mata niya at narealize niya

"Samantha, paano mo maipapaliwanag 'to?" tanong niya, halata ang disbelief at confusion sa boses. "How could you hide something like this from me?"habang tinitingnan ni Samuel si Elise na para bang siya mismo ang ama nito, hindi ko alam kung paano ko ipapaintindi sa kanya.

Tangina, eto na 'yun. Paano nga ba ako mag-e-explain? Di ko tuloy alam kung tatawa o kakabahan ako.

"Sir, easy lang po..." Sinubukan kong ngumiti nang kaunti para di halatang nagpapanic ako, "hindi tayo nagkaanak, okay?"

Pero halata namang di siya kumbinsido. Tumitig siya sa akin at kay Elise. Ako naman, internally nagfa-flashback sa mga pangako ko na 'di mabubunyag ang lihim na to.

Naramdaman ko na ang mga mata ni Samuel, nakatitig sa akin na parang nagtatanong, "Bakit, Samantha, bakit hindi mo sinabi?"

Gusto ko na sanang sabihin, "Dahil nga hindi ikaw ang tatay!" pero alam kong mas mapapalala lang nun ang sitwasyon.

This wasn't the life I planned. Pero ayan, kailangan kong magpanggap sa harap ng boss kong halatang-halata ang pagka-convinced na tatay siya.
And this secret, this lie... it was all starting to fall apart. Good luck na lang sa akin kung paano ko to maitatago.

She's Not Our ChildWhere stories live. Discover now