CHAPTER 17

4.4K 70 8
                                    

CHAPTER 17


"Ayos ka lang ba, anak?" Tanong ni Inay. Malungkot akong tumango sabay silip sa bintana. "Anong oras na, baka ma-late ka pa niyan, Aiah," patuloy pa nito. Ngumiti ako sa kaniya at inilagay ang baon ko sa bag. Simula noong nakita nilang kumakain ako sa CR ay hindi na naulit pa iyon.


Hindi na rin ako hinayaan pa ni Ackdan na kumain mag-isa. Hinayaan ko na lang ang mga taong husgaan ako dahil sa baon ko. Tama naman ang lalaki, eh, hindi ko dapat ikinakahiya kung ano ang kinakain ko.


"H-hintayin ko lang po saglit si Ackdan, baka po tinanghali lang siya ng gising," saad ko. Napabuntong hininga naman si Nanay.

Tumabi siya sa akin at hinagod ang aking likod. "Baka naman hindi papasok si Ackdan, mauna kana kaya? Baka sa kakahintay mo riyan ay hindi kana papasukin sa klase niyo."


Muli akong umiling at yumuko. "Baka po kasi pumunta siya dito kung kailan nakaalis na ako, sayang naman po ang pagod niya sa paglalakad, ang layo pa naman po ng baryo nila, 'nay," pagmamatigas ko. "Ikaw talagang bata ka, oh siya, sige! Basta kapag umabot na ng isang oras at wala pa, pumasok kana, ha? Hindi kana talaga nasanay na pumasok mag-isa, oo!" Natatawa niyang sambit. Natawa na lang din ako.


Tama naman si Inay. Mula High School pa lang kami ay magkasabay na kami sa lahat ng bagay, mas dumalas lang ito ngayong nag-kolehiyo kami. I


Ngayon niya lang ako hindi sinundo ng maaga, dati-dati ay mas nauuna pa siya kahit kumakain pa lang ako ng umagahan.

Napahinga ako ng malalim at dumukdok muna. Si Inay ay abala na sa paglalaba ngayon, mamayang  tanghali pa kasi siya pupunta sa bahay nina Gobernador.

Mag t-trenta minutos na at wala pa ring sumisigaw sa labas upang mag-tao po gaya ng madalas niyang ginagawa, kaya tamad akong tumayo at napagdesisyunan ng umalis. Nagpaalam muna ako kay Inay bago ako pumusok sa school.


Nakalimutan ko nga palang ipaalam kay Inay na kami na ni Ackdan. Siguro ay bukas na lang o sa susunod na araw ko na lang sasabihin.

Malungkot akong naglakad hanggang sa makarating ako ng school. Hindi talaga ako sanay na maglakad mag-isa. Walang nang-aasar, wala akong kakuwentuhan at walang nangungulit sa akin kanina habang papunta ako dito.


Tinignan ako ng Guwardiya mula ulo hanggang paa. "Aba, Ineng, ikaw ba 'yung nahimatay noong Cheerdance?" Bungad nito. Ngumiti ako at tumango. "Huwag kana kasi nagkakakain ng puro Taba, baka highblood kana!"


Napawi ang ngiti ko sa kaniyang sinabi. Nag-aalala ba ito sa akin? Sa tono pa lang ng kaniyang pananalita ay parang hinuhusgaan niya na ako. Tska anong puro taba ang sinasabi niya? Tuyo at Daing na nga lang ulam ko sa araw-araw ay ma-h-highblood pa ako? Ni hindi na mga kami nakakaulam ng karne ni Inay.


"Kayo din po, huwag na din po kayo masyadong nagkakakain ng taba upang hindi na po kayo palaging masungit, baka highblood na din po kayo." Balik ko sabay lakad paalis. Narinig ko pang nagsalita siya ngunit hindi ko na ito pinansin.


Nakarating ako sa room namin. Wala pang masyadong estudyante. Bahagya pa akong nagtaka nang hindi ko madatnan si Hannah dito na siyang kadalasang pumapasok ng maaga, maging si Ackdan na hindi naman madalas magpaliban sa klase ay wala din dito.


Umupo na lang ako kung saan ang puwesto ko. Padabog naman na inilagay ng katabi ko ang kaniyang bag sa kaniyang upuan. "Hoy, baboy, puwede ba? Sabihin mo naman kay Ma'am na ilipat kana ng puwesto?!" Sambit niya. "Kung nais mong lumipat ako ng puwesto, ikaw dapat ang magsabi sa Professor natin, ikaw 'yung may gusto, 'di ba?" Wika ko.


Fearless (LUZVIMINDA SERIES 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now